☆ Tune Nine :: you and my eyebags!

Start from the beginning
                                    

A-ayoko na mama! papa!! ayoko na po!! Sa mga ganitong pangyayari ay naaalala ko sila mama at papa, hindi man ganito kabilis ang pagpapatakbi nila papa ay pakiramdam ko mangyayari sa akin ang nangyari kanila mama at papa ayoko pang mamatay!

"uy! sir! paki bagalan po!! " sigaw ni Emmy na nakatingin sa akin. May halong pag dududa naman ang mukha netong chanak.

bumabaliktad na ang aking sikmura!! 

"bakit?!" sigaw niya bumabagal na rin naman ang byahe kaya medyo kunalma na rin ako.

"bakit?  edi late na tayo? maslalo na kayo"

"kasi po...--"

hindi nila natapos ang sinabi nila dahil bumaba ako at nagsuka ako grabe ang imbak na pagkain ko sa tiyan ko nawala na. Putik naman daw kasi!

" ayos ka lang ba? "  tanong ni emmy at hinagod ang likod ko.

"naman kasi sabi sayo kuya na bagalan eh. Kahit sumakay siya sa kotse basta hindi mabilis ang pagpapatakbo nito ayos lang dahil di ---"

"tama na.." hinang hina kong sabi ayokong may iba pang maka alam ng nakaraan ko tama na ang dalawa ayokong madagdagan pa dahil sa mayaman siya at ayokong maka ramdam siya ng awa o kahit ano man sa akin.. sa amin.

"pasensya na di ko alam  eh. pero ayos ka lang ba"  Nabigla naman ako sa tono niya kasi naman ang naaalala kong tono ng boses niya ay yung. Masungit, mapanghusga, at may pagkamataray. 'Yun ang alam kong tono niya pero ang tono naniyon bago.

Tumango-tango ako at pinunasan ang bibig ko gamit ang kamay ko pero  hinila niya ito at pinunasan ng panyo na galing sa likod niya. Napangiti naman yung dalawa sa likod. Tinignan ko nalang sila ng masama. Ano nga bang masama sa pagpunas niya sa bibig at kaunti sa kamay ko?

" ayan, tara na ulit" tumango ako at pumasok muli.

Pinatakbo niya ang sasakyan ng mabagal

"anong oras na" tanong ko kanila Lexa.

"ah... mag e-eight thirty na.. at oras na para sa second subject. "

sagot ni lexa napatango ako.. at minulat ang mata na akala mo eh hindi na maimumulat pa bukas.

"8-8:30?!!!"

"sabi sainyo late na eh! damay pa ako!"

sinakal ko nalang sa inis si Chanak sa likod nagpagewang gewang naman yung sasakyan buti at walang dumadaan. Tumigil din naman ako sa pagsakal at kumalma pero hindi ko magawa!

At ganun na nga second subject na kami naka pasok umalis narin si  Chanak. Pinagalitan lang naman kami ng teacher at isang oras na pagsasalita.

Sa natirang subject kami  pumasok, lecture dito lecture doon. At walang katapusang sagutan sa papel.

Zero nga ako sa isang quiz eh, lutajg kasi isip ko.

Pagdating ng hapon ay uwian na pero dinagsaan kami ng mga kalalakihan at hinihingi ang number namin. Kailan ba sila titigil?

Kalaunan ay nakalabas kami ng matiwasay pero gusot gusto ang uniporme. Pagkaguluhan daw ba?

Habang naglalakad ay  tumigil sa  amin ang isang kotse nakasilip dito si Chanak. Inirapan ko siya atsaka pumasok ngiting abot langit naman ang ngiti ng dalawa sobra ang kanilang tuwa habang ako nanlulumo dahil naaalala ko ang mga nangyari kanina baka maulit kasi.

Ngunit tila nasaniban ng magandang kaluluwa si Chanak at dinadahan dahan ang pagd-drive.

Nang makarating kami ay natanaw ko si 'nay Cyntia na palapit sa amin at tila nahihirapan itong huminga, baka inaatake nanaman ng hika.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now