“Naku! Anak! Tumayo ka dyan.”

“Nay Nini, ayaw niya—“ Hindi ko matuloy ang aking sasabihin dahil kahit ako ay hindi makapaniwala. Hindi ko matanggap. “Ayaw niya sa anak naming. Ayaw niya.” Iyak ako ng iyak at hikbi na rin ng hikbi. Hindi ko mapigilan ang pagtulo nito.

“Ssshhh. Tahan na anak. Hindi pa siguro ito ang panahon, pero darating at darating ang panahon na matatanggap niya kayo, ang anak mo.” Tinulungan akong tumayo ni Nana Nini upang makapunta kami sa loob ng bahay. Hinahagod niya ang likod ko dahil sa tuloy tuloy kong pag iyak.

Ipinunta ako ni Nana Nini sa aking kwarto. “Iha, magpahinga ka muna. Tama na ang pag iyak! Makakasama yan sa baby mo! Sige ka.”

“Salamat po Nana.”

Ngayon pa lang ang ramdam ko na ang pangungulila kay Andrei. Wala pang isang oras pero nangungulila na ako, kami ng magiging anak niya. Paano na ako ngayon? Paano na kami? Hindi matanggap ni Daddy ang pagbubuntis ko ganun din si Andrei. Dalawang lalaking pinakamamahal ko ay inayawan ako. Matatanggap ko sana kung ako lang, ngunit pati ang anak ko ay damay.

Muling tumulo ang mga luha ko. Ang sabi noon ni Andrei, kulang na lang daw ay kasal. Nauna lang ang baby, inayawan na ako nito. Akala ko iba siya sa mga lalaki, akala ko iba siya kay Alvin. Marami pala talagang nagkakamali sa mga akala. Mas okay pa nga si Alvin dahil pinanagutan niya ang nabuntis niya.

“Lord, kung ano man pong plano niyo, I trust you. Your plans are better than mine.” Sa simpleng panalangin ay gumaan ang nararamdaman ko. Mali pala ako! Hindi lang pala dalawa ang lalaking pinakamamahal ko. Tatlo sila, at ang isa ay alam kong tanggap na tanggap ako. Thank you, Lord!

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Amoy pa lang ng pabango niya, ay kilalang kilala ko na siya. Unti unti kong imunulat ang aking mga mata. Kahit na parang ayaw ko pang magmulat dahil sa sakit ng mata ko kakaiyak, ay pinilit ko pa ring magmulat.

“Honey, finally you’re awake. How do you feel?”

“Are you angry, Daddy? Do you hate me?” Namumuo na naman ang mga luha ko.

“I can’t hate you, honey and I will never hate you. Kahit kelan hindi ko magawang kamuhian ka. I promise to your Mom and to the Lord to love you until forever. So, don’t think that I hate you. Yes anak, galit si Daddy pero anak hindi kasi yun maiiwasan lalo na’t ang pinakamamahal at nag iisang anak ko ay mahaharap sa ganitong sitwasyon.” Yinakap ako ng mahigpit ni Daddy.

“I am sorry dad kung na disappoint ko kayo, kung magkaka baby na ako sa maagang edad. But I promise I’ll continue my studies after I give birth.” Gusto ko mang magfocus sa pag-aalaga sa magiging baby ko pero naiisip ko rin ang aking pag aaral. Kelangan kong makapagtapos para makatulong kay Daddy. Isa pa, hindi naman ako habang buhay naka-depende sa kanya. I must learn how to live on my own kahit na alam kong full support siya sakin.

“Glad to hear that, Jess. Ano bang ipapangalan mo sa apo ko?” Natawa ako sa tanong ni Daddy. Pangalan agad ang iniisip niya. Hindi ba pwedeng gender muna? Di ba?

“Daddy naman! Hindi pa nga po natin alam ang gender ni baby tapos pangalan na agad ang iniisip niyo.” He just laughed at me. Masaya akong makit na natawa si Daddy kapag ang baby ko ang usapan.

“Normal lang yun, anak. Eh di mag isip tayo ng name for baby boy and a name for a baby girl.”

Nagbrainstorming kami ng ipapangalan sa magiging apo ko. Ang daming tanong naisip ni Daddy, mas creative pa nga siya sa mga names kesa sakin. Pero ang pinakagusto daw niya ay yung kapangalan niya. Yung iba ngang names na naiisip ni Daddy ay minsan weird pero ang gaganda ng meaning. Isa lang ang napansin ko sa lahat ng suggestion niya.

Walang kahit na anong bahid ng pangalan ni Andrei ang mga pangalan na pinag isipan niya. Hindi ko alam kung alam na niya ang nangyari kanina. Na hindi natanggap o tinanggap ni Andrei ang magiging anak namin. Ayaw kong magtanong, dahil siguradong masasaktan at iiyak akong muli.

"No matter what happened, you will always be my baby girl. Be strong, anak." 

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now