Umakyat na agad ako.Naligo na ako at sinigurado kong malinis na malinis ang buong katawan ko.After kong maligo ay binuksan ko yung closet ko at naghanap ng masusuot mamaya.Dapat magmukha akong maganda at presentable sa paningin niya.

“Wait?Bakit naman ako magpapaganda kung siya lang naman iyon?"

I stopped ransacking my closet and just chose a simple white tshirt paired with jeans.Simple lang pero mukha namang presentable.

Sinuot ko na iyon at hinihintay na lang ang katok ni Zero.I waited for almost 30 minutes but nothing happened.Ni katok wala.

Naiinis na ako kaya bumaba na ako para hanapin si Zero.To only found out that he's still busy with his laptop.

“30 minutes has passed and you're still infront of that laptop."

“Hindi ko napansin ang oras."

Napatingin siya sakin at pinasadahan ako ng tingin.

“Magpalit ka na."

Napabalik siya sa katinuan at tumayo na.Nagpalit lang siya ng simpleng pantalon at tshirt.Kinuha ang susi ng kotse at sabay kaming umalis patungong mall.

Tahimik lang kami sa biyahe.Walang gustong magsalita.

Dumating kami sa mall at bigla kong naalala noong nahuli kami nung guard.Akala nung guard na may milagro kaming ginagawa.Napangiti na lang ako sa naalala ko.

“Reminiscing the memories?"tinanggal ko agad ang ngiting naka-plaster sa labi ko at namula agad ang mukha ko.

“Hindi!"

Kukuhanin ko sana yung sunglasses ko sa bag pero nakalimutan kong dalhin iyon.Hindi pwedeng makilala ako ng mga tao dito.

“Need to borrow this?"nilabas ni Zero ang isang aviator glasses at bull cap.

“No need."

Gabi na rin naman kaya wala na sigurong masyadong tao rito sa mall.

Yumuko na lang ako para di ako makilala ng mga tao.I'm sure that people will recognize me.

May mga kabataang nagsitinginan sakin at mukhang inaanalisa nila kung sino ako.Inakbayan ako ni Zero na nakasuot ng bull cap.

Sinuot niya sakin ang aviator glasses at bull cap na kanina ay pinapahiram niya sakin.Wala na akong nagawa kundi suotin iyon.

Umikot ikot muna kami para mawala ayng mga kabataang alam kong sumusunod sa amin.

Nakarating kami sa bookstore.Pumili na si Zero nang librong gusto ni Kaizer.Nagulat pa nga ako na ang katulad ni Kaizer.Hindi rin naman daw alam ni Zero kung bakit iyon ang pinabili ni Kaizer.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumapit sakin si Zero at sinabing wala raw doon ang hinahanap namin.

Nagulat ako ng biglang may humawak ng bewang ko.Napaigtad naman ako sa gulat at takot.

“Feia!"

Napalunok ako at napahawak ng mahigpit sa damit ni Zero.Gusto ko lang nang matiwasay na mahanap ang kailangan ni Zero pero mukhang hindi iyon mangyayari ngayon.

Tumakbo ako palayo at syempre hinabol ako ng mga tao para magpa-picture.Mukhang wala na rin akong magagawa kundi tumakbo.Iniwan ko na si Zero at baka gawan pa kami ng issue ng mga tao.

Shet!Pagod na pagod na ako!!

Halos maikot ko na ang buong mall,hindi pa rin ako tinatantanan ng mga tao.

Pabagal na ng pabagal ang takbo ko pero biglang may humawak ng kamay ko kaya napapiglas agad ako.

“Takbo."napahinto ako ng makita ko si Zero.Siya ang nakahawak ng kamay ko.

“Takbo."napabalik ako sa katinuan ko pero pagod na talaga ako kaya di na ako makatakbo.Kayo kaya habulin ng madlang people,tignan lang natin kung di mapagod.

“Pagod na ako."

Lumuhod siya kaya napatanga ako sa ginawa nya.

“Hoy anong ginagawa mo diyan?"sinipa ko siya pero di siya tumatayo.Ano bang ginagawa niya?Nababaliw na ba siya!

“Sumakay ka na kung ayaw mong dumugin ka."

“Ayaw ko nga."agad kong tanggi.Pero napatingin ako sa likod ko ng makita kong papunta sa pwesto namin ang mga taong humahabol samin.

Jusko!Ganito na ba ka-wild ang mga tao kapag nakakita sila ng artista?

Sumakay na ako sa likod ni Zero dahil wala akong choice.Hindi dahil gusto ko.Sobrang sakit na ng paa ko.

Lumulutang ang isip ko habang buhat buhat ako ni Zero para takasan ang mga taong humahabol sakin/samin.

Parang nangyari na ito dati.....
Nung hinahabol kami ng mga guard 5 years ago.Pero mga madlang people lang ang humahabol samin ngayon.

Bakit ba ang dami kong naalala kapag kasama ko si Zero?Kahit kung saan ako pumunta,si Zero ang lagi ang naalala ko?!

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon