April 17, 2017 3:30AM

12.8K 784 271
                                    

Dear Diary,

Love really does take time. Mas masarap palang namnamin 'yong pag-ibig na hindi minamadali. Lahat pala, may tamang panahon at kung mangyayari, gaano man katagal ang paghihintay, mangyayari't mangyayari pa rin.

Kagabi, um-attend kami ng homecoming party sa plaza. Most of us have kids already. Ilan na lamang kaming hindi pa ikinakasal.

Robbie was unusually anxious. Inom sya nang inom ng tubig kagabi. I kept on asking him if he's okay and he kept saying that he's fine. But I knew something was off, I just didn't know what.

Buong gabi lang kaming nakaupo, magkatabi. Pinanunuod sina Lotlot at Derrick na magsayaw tuwing slow song ang tutugtog. They're already together again, by the way. I've never seen them happier. Mas masaya talaga silang dalawa kapag sila ang magkarelasyon. 

Anyway, I asked Robbie if he has any plans of asking me to dance. He told me yes, he's just waiting for the right song. Kung ano 'yong tamang kanta na 'yon, hindi ko agad nahulaan.

When this song came up, he finally stood up. At bago pa man ako mag-assume, he told me that he'll just get a drink. Hindi ko alam kung anong klaseng inumin ang kukunin nya, given na maraming inumin sa table namin.

Nakatingin mula sa malayo

Tanggap ko nga ba 'to?

Sapat na nga ba 'to?


I was looking for him. When I saw him, he was walking towards me... without a drink in his hands. Kaya naguluhan ako.

Pero ikaw na ang lumapit

Nasa akin ang tingin

Lumapit sya sa akin saka ako niyayang magsayaw. "Matatapos na yata 'yong kanta," sabi ko sa kanya. Nakasimangot pa ako noon. He simply smiled and told me that he doesn't care because it's the perfect time to ask me to dance.

Hinawakan ang aking kamay

At sabay sabing

He sang the next lines.

"Siguro nga napamahal na ko sayo, oo

Di naman inaasahan

Di naman sinasadya

Sinubukan ko naman

Na pigilan nalang

Pero ikaw ang gusto ko

Isisigaw ko sa mundo

Mahal kita...

Simula pa nung una"

The song ended. Everybody went back to their seats, except for the two of us. His hand was still holding my waist. The silence was deafening. 

He exhaled... and then, he got down on one knee.


Soon-to-be Mrs. Quijada,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon