June 7, 2004

11.4K 572 106
                                    

Dear Diary,

First day ng second year high school namin. Magkakalase uli kami ni Lotlot. Ramdam na ramdam namin ang pagtanda, diary. Kasi 'yong mga freshmen, mga mukhang yagit. Parang kami lang dati.

Ang daming nangyari sa loob ng ilang buwang bakasyon. 'Yong mga kaklase kong lalaki na dati ay hanggang balikat ko lang, ngayon ay mas matatangkad na sa 'kin.

Pumuti rin ako ng isang shade, sabi ni Lotlot. Pinagamit kasi ako ni nanay ng Likas Papaya. Dalaga na raw kasi ako. Dapat matuto nang magpaganda. Sinanay din ako ni nanay na magsuklay nang madalas sa isang araw.

Buti na lang hindi ako pini-pimples, diary. Maganda nga raw ang kutis ko, makinis. Kaya kahit maitim ako, ayos lang kay nanay. Minsan lang daw nagmumukha akong libag dahil babad ako sa araw.

Tapos, ano pala...

Nagulat ako kasi pumasok si Robbie. Pero 'di namin sya kaklase. Sa ibang section sya.


Sophomore na,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now