August 16, 2003

12.7K 551 23
                                    

Dear Diary,

Recollection ngayon ng first year. Kaya kahit Sabado, nagpunta kami sa school. Maghapon kaming magkakasama. May BEC uli kami, pero this time, sa kumbento na. May isang kwarto na inilaan para sa amin. 'Yong magli-lead sa amin, isang semenarista. Maputi sya, singkitin ang mga mata, bagsak na bagsak ang itim na itim na buhok, at naka-salamin na parang kay Harry Potter. Sabi ni Lotlot, kamukha raw ni Kuya RJ si Harry Potter.

Napanuod na namin 'yong unang movie noon. Crush na crush kasi ni Lotlot si Harry Potter kaya naging crush din agad niya si Kuya RJ. Sampung taon ang tanda ni Kuya RJ sa amin. Magaling syang mag-piano.

Nang magtanong sya sa amin kung may marunong sa aming maggitara, lahat kami ay itinuro si Robbie. May ilan din naman akong kaklaseng lalaki na marunong, pero si Robbie yata ang pinakamagaling para sa mga babae. At dahil mas marami ang mga babae at hanga rin ang mga lalaki kay Robbie, si Robbie na ang naging gitarista namin nang araw na 'yon.

Alam mo ba, diary, ang bait pala ni Sister Jane. Kasi may dalawa akong kaklaseng Muslim. E, di ba, hindi sila kumakain ng baboy? Sinigang na baboy kasi ang niluto nilang pananghalian namin. 'Yong karne ng baboy, singnipis ng papel pero singlapad naman ng plato.

Ang ginawa ni Sister Jane, nagluto siya ng dalawang malaking palang ng isda na sinamahan ng ginisang gulay. Nag-iba ang paningin namin kay Sister Jane dahil doon. Akala kasi namin ay masungit ito kagaya nina Sister Norma at Sister Macrina.

Oo nga pala, nag-sharing uli kami kanina. Gustong-gusto ko talagang umiyak, diary, kaso hindi naman ako malungkot :(

Nag-bible reading din pala kami. Tapos nagdasal. Tinapos namin ang recollection sa isang misa. Pagkatapos noon, umuwi na kami.

Kumanta rin pala si Robbie kanina. Duet sila ni Kuya RJ.


Na-amaze ulit,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon