September 19, 2003

12K 523 20
                                    

Dear Diary,

Sorry hindi ako nakasulat nang ilang araw. BEC namin no'ng isang araw. Pinilit ko uling umiyak kaso wala talaga. Pero this time, wala naman talagang umiyak sa amin. Medyo naging parang romance nga 'yong eksena kasi may umamin na crush nya si Robbie. Pati si Misis, kinilig. Kaso mukhang hindi yata nagustuhan ni Robbie na iniloko sya do'n sa kaklase ko. Nakasimangot e.

Nainis si Lotlot do'n sa classmate kong babae.

Tapos, kahapon pala, first convocation namin. Second honor ako, diary! Hehehe.

Tuwang-tuwa si nanay nang sabitan ako. Ang dami naming picture kahit mahal ang pa-develop. Sa isang buwan pa siguro namin makukuha 'yon.

Ay, bago ko makalimutan, may special number nga pala si Robbie. Kumanta sya ulit, ngayon naman, sa harap ng buong school.


Na-amaze for the third time,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon