July 18, 2003 10:57PM

12.4K 539 30
                                    

Dear Diary,

Nagsigawan 'yong mga kaklase ko kanina nang umakyat si Robbie ng stage, dala-dala 'yong gitara nya. Akala yata nila si Robbie lang ang kakanta. Medyo humina nga 'yong sigawan nang sumunod kami sa stage.

Ayun, nairaos naman namin 'yong kanta. Hindi ko nga lang masyadong narinig 'yong boses ko dahil sadyang nagpapalakasan ng boses si Lotlot saka 'yong isa kong kaklase. Pero ayos lang.

Pagkatapos ng program, kumain muna kami. Meryenda lang. Egg sandwich saka tig-iisang pack ng Zest-O, orange flavor. Pagkatapos naming kumain, nagsimula na ang sayawan. Inantok na ako kaya natulog ako, diary. Sabi ko kay Lotlot, gisingin na lang ako kapag uwian na.


Tinulugan ang acquaintance,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon