January 5, 2016 (December 5, 2003)

12.3K 555 129
                                    

December 5, 2003


Dear Diary,

Unang Kris Kringle namin. Something long. Bumili ako ng mahabang marshmallow, 'yong tiglilimang piso. Tapos pinangalanan ko ng "Kuneho". Kasi 'yon ang nakalagay sa nabunot ko. Lahat kami ay gumawa ng code names tapos 'yon 'yong nilagay namin sa kahon na bubunutan ng pangalan.

Ayun, ang regalo ko ay 'yong mahabang marshmallow. Alam mo ba ang nakuha ko? Dalawang piraso ng Stik-O. Alam mo 'yong nakalagay sa plastic na unang kinukuha para madaling makuha 'yong iba? 'Yon.

Nautakan ako, diary. Kulang ng tres.

Nakakuha ng makunat na Stik-O,

Ylona


*****

Hahahaha! Sorry na! Bibilhan kita ng maraming Stik-O. 'Yong malutong pa. :) -Robbie

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now