December 21, 2004

11.4K 536 107
                                    

Dear Diary,

Christmas party namin kanina. Nang makaakyat kami sa social hall, hinanap na ni Robbie 'yong regalo ko raw sa kanya. Mabuti na lang at umuwi 'yong ninang ko para sa pasko. Binigyan ako ng teddy bear. Hindi naman ako mahilig sa teddy bear kaya 'yon na lang ang binalot ko para ibigay kay Robbie.

Sana hindi magalit si ninang. Wala kasi akong perang pambili ng regalo. Sapat lang pang-exchange gift. 

Ayun, medyo naguluhan pa sya kasi teddy bear na pink ang iniregalo ko. Sabi ko imported 'yon kaya 'wag na syang mag-reklamo. Saka nilinaw ko rin na wala na akong utang sa kanya.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang bigyan nya rin ako ng regalo. Maliit lang syang box tapos nakakalog ko 'yong laman. Akala ko, magkakapatong lang na kahon ng posporo.

Sabi pa nya, "Alagaan mo 'yan." Akala ko tuloy gagamba. Tapos tamagotchi pala. Hindi ako marunong mag-tamagotchi pero susubukan kong alagaan. Matagal ko na kasing gustong magkaroon no'n. Kaso mahal kaya ayaw akong ibili ni nanay. 

Pinangalanan kong Robbie 'yong tamagotchi ko kasi galing naman kay Robbie.

Merry Christmas, diary!


Ylona


---

Tamagotchi.

Tamagotchi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now