November 3, 2006 11:36PM

10.3K 512 45
                                    


Dear Diary,

Ngayon lang natuloy 'yong Halloween party namin. Last week pa sana kaso may projects kami na kinailangang tapusin.

Mali ba na umasa akong isasayaw nya uli ako? Kasi parang okay naman na kami? Simula noong swimming namin, nakakapag-usap na uli kami. Hindi na kagaya ng dati kasi parang may konting hiya. Sa parte ko yata? Hindi ko rin sigurado. Tuwing mag-uusap kasi kami sa klase, biglang may manunukso. Magkatabi pa naman kami. Ang hirap gumalaw!

Sumasama na ulit sya sa 'min nina Lotlot minsan, kapag lumalabas kami. Minsan, ako na ang hindi sumasama kasi maduga sina Lotlot. Kapag kasama sya, sasabihin nila na may pupuntahan sila. O di kaya naman, mauuna silang umalis tapos kami ang maiiwan. Ayaw ko nang ganoon, diary. Naaasiwa ako. Hindi na ako kumportable kapag kami lang ang magkasama. Sa katutukso na rin siguro ng mga kaklase namin.

Kaya nang lumapit sya sa 'kin kanina, umingay na naman 'yong mga katabi ko. Kaso, salungat sa inaasahan namin, hindi nya ako isinayaw. Tinanong lang nya kung bakante 'yong upuan sa likod ko. Nang sabihin kong oo, umupo sya doon, sumubsob, saka natulog. Gumising lang sya nang mag-u-uwian na.

Sumama na lang sya kay Derrick sa paghahatid kay Lotlot kanina. Nagulat nga ako sa nanay ko. Nag-aabang sa labas ng bahay. Dali-dali akong pumasok ng bahay bago pa naging matanong ang nanay ko. Baka kung anu-ano na namang nakakahiyang tanong ang itanong, e.


Medyo umasa,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon