March 10, 2007 10:07AM

9.8K 485 37
                                    

Dear Diary,

Kahapon, inaya ako ni Robbie na gumala sa dati kong elementary school. Ihinabilin daw kasi 'yong mga husky sa kanila. Igagala raw nya. E, tatlo 'yon kaya naghahanap sya ng kasama. Medyo mahilig ako sa aso kaya um-oo ako.

Kaso nang sabihin ko kay Lotlot, sabi nya date daw 'yon. Kaya kanina, pagkagising ko, kumuha ako ng bawang at sibuyas sa kusina tapos isiniksik ko sa katawan ko. Nakakainit daw kasi 'yon ng temperatura. Kaya nang gisingin ako ni nanay at sabihing may naghahanap sa 'kin, sabi ko masama ang pakiramdam ko.

Natakot kasi ako. Si Lotlot kasi. :(


Nakokonsensya,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now