October 20, 2006 9:42PM

10.2K 625 169
                                    

Dear Diary,

Kagaya ng inaasahan ng lahat, kami ang overall champions. Ganito pala ang feeling kapag mas marami ang napanalunang pagkain kesa juice. Dahil sa nangyari, may swimming ulit kami bukas. Baka hindi na ako maglangoy kasi baka masabihan na naman akong ulikba. Kakain na lang siguro ako.

Nga pala, walang marriage booth kanina kasi focus na sa games tapos sa hapon, awarding ceremony. Pero may dedication booth pa rin.

May nag-dedicate nga sa akin ng kanta, e. Crazy for You ng Spongecola. Tapos ang message: "Ako 'yong nakausap mo dati, noong bakasyon bago tayo mag-second year. Thank you nga pala sa advice."

Ang tagal na noon, diary, ngayon nya lang naisipang magpasalamat.


"You're welcome",

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon