December 2, 2005

9.9K 510 24
                                    

Dear Diary, 

Kanina, pinabunot kami ng mga pangalan para sa monito at monita. Nakuha ko 'yong pangalan ni Derrick. Kaya sinabi ko kay Lotlot tapos nagpalit kami ng nabunot. 'Yong isa kong classmate na palaging tulog sa English ang nabunot ko, si Jared.

Dakilang pasaway, laging nanunulad kapag may quiz o exam, pero magaling sa sports. Paboritong subject: MAPEH. 

Ano kaya ang magandang regalo sa kanya sa Christmas party namin? May mug ba na korteng bola o parang bola? Magkano naman kaya 'yon? O face towel na may design kaya ng bola? O keychain na bola? Meron kaya no'n sa perya?


Namumroblema na naman,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon