August 3, 2006

10K 506 23
                                    

Dear Diary,

Niyaya ako nina Lotlot At Derrick na mag-apply sa mga school na pinag-apply-an nila, pero ayoko kasi sa Maynila. Gusto ko malapit lang, tipong Lucban o Laguna. Linggo-linggo yatang may umaalis na mga kaklase ko para mag-exam. 

Dahil sina Lotlot lang naman ang talagang ka-close ko sa klase, ilang araw akong mag-isa dahil wala sila. Nagpa-practice na rin pala kami ng cheering. Kanina nga, pagkasimba, umuwi kami agad tapos kumain lang bago kami uli magkita-kita. Hanggang 10PM kaming nagpa-practice.

Wala akong kasabay pag-uwi. Buti na lang inihatid ako ni Ivan.

Okay lang na matukso basta makauwi ako ng bahay. Saka wala naman nang crush si Ivan sa 'kin. Sabi nya. May nililigawan syang sophomore, e. Pero friends pa rin naman kami. Hindi na nga lang nya ako inililibre.

Baka next week pala, umalis din ako. Ita-try ko sa Lucban, e. Sana makapasa.


Kinakabahan,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon