July 18, 2003 4:21PM

12.8K 535 34
                                    

Dear Diary,

Tapos na ang exams!!! Alam mo ba, lungkot na lungkot ako nang may lima akong mali sa MAPEH. Sa lahat ng subjects, 'yong notes ko lang sa MAPEH ang binasa ko ang lahat ng words na nakasulat sa notebook ko.

Akala ko mapi-perfect ko na, e. Kaso may mali akong lima.

Masaya nga pala 'yong naging feast day ng OLMC kasi walang klase. Pero 'yong Thursday at Friday naman, exams kaya noong Wednesday, panay kami ng review.

Kaninang hapon, nag-check kami ng mga papel. Highest ako sa English at A.P. Mamaya na pala 'yong acquaintance party. Binigyan ako ni nanay ng limampiso kanina para raw makapag-tricycle ako pauwi sa tanghali. Tapos, ipinang-tricycle ko rin 'yong natira sa baon ko papasok naman ng hapon. 

Hindi pa naman mabaho ang uniform ko kaya ayos lang na isuot mamaya. Pinagpahinga na lang ako ni nanay dahil hindi raw ako pwedeng maligo. Mapapasma raw ako. Pinahiram ako ni Ate ng baby cologne para mag-amoy tao raw ako mamaya. Tapos, magsuklay man lang daw ako para hindi parang alambre ang buhok ko. Isang beses sa isang araw lang kasi akong nagsusuklay.

Mag-a-alas sais na, diary. Pamihadong malapit na si Lotlot. Balitaan na lang kita bukas kung ano ang nangyari. 


Nininerbiyos sa performance mamaya,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon