June 6, 2005

10.6K 598 66
                                    

Dear Diary,

Junior na kami!!

Masaya akong makabalik sa school at makita 'yong mga dati kong kaklase. Masaya rin naman ang naging bakasyon ko. Kina tita kami nagbakasyon, sa Maynila. Madalas kami sa mall saka sa mga pasyalan. Pumuti nga raw ako, sabi ni nanay. De-aircon kasi sa bahay ni tita. Hindi sila sanay matulog nang naka-electric fan lang.

Sabi ni Lotlot, nag-iba raw ang hitsura ko. Siguro kasi hindi ako nagpagupit nitong bakasyon tapos pumasok akong nakatirintas ang buhok.

Halos lahat ng mukha, pamilyar. Kaklase ko pa rin 'yong mga ka-section ko last school year. Si Robbie, kaklase na uli namin. Pati si Ivan. Saka may ilang transferees din.

Speaking of Robbie... binati nya ako kanina pero hindi ko sya pinansin. Bumati sya uli kanina nang nasa classroom na kami pero nagkunwari akong walang narinig. Akala nya yata nakalimutan ko na 'yong panlalait nya noong March. Ha!

Kasalanan nya kung bakit takot na takot na ako sa araw! Nagpabili pa ako kay Tita ng sunblock!


Natutong magpayong,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon