February 12, 2004

11.7K 493 14
                                    

Dear Diary,

Pasensya na kung matumal na naman ang sulat ko. Busy lang kasi. Patapos na ang pagiging freshman ko. Sophomore na next school year. Ilang buwan na lang. Ang bilis lang ng panahon. 

Valentine's Day na pala sa Sabado. Excited na 'yong mga kaklase kong babae. For sure, dahil sa weekend tumapat 'yong Valentine's, bukas na ang bigayan ng chocolates at flowers. Pero patago lang dahil magagalit daw sina Sister. 

Hindi kasi iniengganyo 'yong mga ganoon sa school namin. Magpa-straight nga ng buhok, bawal, e. Mag-boyfriend pa kaya. Kaya patago lang. 

Hindi naman ako naghahangad na mabigyan ng bulaklak o regalo bukas. Gusto ko lang ng chocolates. 'Yong hindi tigti-tres. Magkano kaya 'yong Snickers sa Tatin? :( 


Gusto rin ng chocolates,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon