June 7, 2003

15.3K 646 67
                                    

Dear Diary,

Sabado ngayon. Dapat tutulong ako kay nanay sa paglalaba kaso dahil scholar ako, required akong maglinis ng school. Pinagdala nila kami ng mga dahon ng saging. Alam mo kung ano ang ginawa namin? Pinagkuskos lang naman kami ng sahig... ng buong building. 

Mangiyak-ngiyak na ako sa pagod, diary. Sasampu lang kaming full scholars. At hallways lang ang kinuskos namin, pero nakakaiyak talaga. Pakiramdam ko pinutulan ako ng mga braso at binti dahil hindi ko na sila maramdaman pagkatapos.

Tanghali na nang matapos kami. Nanuod muna kami ng band practice bago umuwi. 'Yong mga catechist, nasa simbahan din sila tuwing Sabado. Sila kasi 'yong nag-aayos ng dekorasyon sa simbahan. Nagli-lettercut sila. Nag-aayos ng mga bulaklak... para kinabukasan ng Linggo, maganda na ang simbahan para sa misa. Hindi pa roon natatapos ang gawain nila dahil required din silang sumimba tuwing Linggo. Karamihan din sa kanila, kasali sa choir. 

Naglalakad ako pauwi kanina nang makita ko si Robbie sa tapat ng tindahan sa may plaza. Nakapang-basketball sya. Kumpleto. Jersey na sando at shorts saka sports shoes. Umiinom sya ng Sprite na nakalagay sa plastic. 

Nilakad ko mula school hanggang sa amin. Pag-uwi ko, galit na galit si nanay. Umitim daw ako nang tatlong shades.


Nag-iinit ang bunbunan,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon