October 23, 2003

11.3K 485 21
                                    

Dear Diary,

Second day na ng Intrams. Kahapon, nalaro na 'yong mga preliminary games. Ngayon 'yong ibang laro na hindi nasimulan kahapon saka 'yong mga nanalo sa ibang laro kahapon, maglalaban-laban na ngayon.

Tama nga si Lotlot, diary. Nagkasabay ang laro nila ni Robbie. Kaya namin, mula sa area ng St. Clare, malapit sa plaza, tumakbo ako papunta sa area ng OLIC, na katabi naman ng building namin. May isa rin doong court, pero mas maliit sya sa basketball court kaya pang-table tennis, badminton, at sepak lang sya.

Daig ko pa ang sumali sa marathon dahil sa pagod ko. Pero grabe, ang galing mag-voleyball ni Robbie. Ang daming tili nang tili na mga babae, iba't ibang year. Kaya hindi na ako sumigaw, diary. Paos na rin naman ako.

Nakakatuwa palang maging water girl. Nakaupo lang kami! Kapag nagta-time out lang, saka kami inuutusang magbigay ng tubig. 

Kagaya ng inaasahan, talo kami sa basketball. Pero panalo kami sa volleyball.


Na-amaze na naman,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon