July 16, 2004 10:18PM

11.1K 607 146
                                    

Dear Diary,

Maramng nakakatawang nangyari ngayong araw. Acquaintance party namin pero first time naming hindi naka-uniform. Wala akong bagong damit kaya 'yong blouse ko na lang na madalas kong ipangsimba ang isinuot ko.

Kagaya ng nauna kong plano, tinulugan ko lang 'yong acquaintance nang magsimula nang magsayawan. Kaso ginising din ako ni Lotlot. Nang tumunghay ako, nasa harap ko na si Robbie kasama 'yong isa nyang kaklase.

Hindi ko ma-explain 'yong naramdaman ko kanina, diary. Parang natakot ako na ewan. Tapos nang magsalita sya, parang hindi ko na narinig 'yong music saka 'yong boses ni Lotlot.

"Ano," simula nya sabay turo sa kasama nya.. "Pwede ka raw bang isayaw ni Ivan?"


Nalito bigla,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon