December 25, 2005

11K 597 63
                                    

Dear Diary,

Syempre hindi ko sinabi kay Ivan na pinapupunta siya ni nanay sa bahay, pero kanina, dumaan sila sa bahay. May pansit at puto na niluto si nanay pero alam naman namin pare-pareho na nakakain na sa ibang bahay 'yong mga kaklase ko kaya busog na sila. Pero kumain pa rin sila kasi takot sila sa nanay ko.

Tapos sobrang nakakahiya. Tinanong ba naman sila ni nanay. "Sino sa inyo si Ivan?"

Gusto kong lamunin ng lupa, diary, lalo na nang itanong ni nanay na, "Gusto mo pang manligaw sa anak ko? Kaya mong manligaw ng anim na taon? Hindi pa pwedeng mag-boyfriend 'yan. Pagka-graduate pa ng college."

Diary, nahirinan yata si Ivan sa sobrang kaba. :( Buti na lang may nakahandang juice.


Bi-Bingo na,

Ylona 

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon