Chapter Five

317 10 2
                                    

Chapter Five~     

Nung bumalik ako sa classroom ay nakita kong naka-ngiti sakin si Drey kaya naman nginitian ko na lang din sya. Alam ko namang hindi kami ganun katagal mag-aaway away. Ngumiti sya sakin kaya naman ibig sabihin, hindi sya galit sakin. Pumasok ako sa classroom at nanghingi nang pasensya sa adviser namin. sinabi kong Nakalimutan ko ang oras kaya naman pinayagan ulit ako. Next na nangyari ay pinag usapan namin ang house rules. Ibig sabihin kung ano ang mga rules sa loob nang klase or year section namin. Dahil si Chris ang president ay sya ang nag sasalita sa unahan. Pansin na pansin na lahat ay nakikinig sakanya. Walang umiimik. Yung iba naman ay nag tataas lang nang kamay at mag sa-suggest.

“Mr. Diaz, do you have any suggestions?” tanong sakin ni Chris. Napakamot na lang ako nang ulo dahil unang una, wala akong alam dyan sa mga rules na yan. At isa pa, hindi nga ako sumusunod sa rules na yan eh.

“Ah, wala eh. Kayo na lang.” sabi ko. Medyo nahihiya pa nga ako.

“Kung ganun, samahan mo na lang ako dito sa harapan.” Sabi pa nya. ang kulit talaga niya. Dahil nga nakatingin samin ang teacher ay sumunod na lang ako sakanya. Pumunta ako sa harapan. At saka tinanong ang bawat isa kung ano ang masasabi nila

1st rule: One mouth rule.

“Very self explanatory naman siguro nito kaya hindi na kailangan pang i-explain.” Sabi ko sakanila pero nakatingin lang ako nun kay Terence na medyo natatawa tawa pa. hindi naman kasi ako sanay na nagsasalita sa harap.

“Ano ka ba? Syempre, Kelangan mo i-explain mo sakanila.” Bumanat na naman tong presidente namin. nakakaasar talaga. Makikipag talo pa sana ako pero naalala kong nakatingin pala saming dalawa ang lahat. Baka isipin pa nila, LQ kami, though hindi naman kami LOVERS. Hay nako. Mga utak kasi nang mga tao ngayon eh.

Humarap ako sa unahan, “Okay. One mouth rule means Kelangan matututo tayong makinig sa isa’t isa. Kung may nag sasalita sa harapan especially kung teacher ito, pakinggan nyo muna at wag mag salita. Dito rin sa rule na to ay isinasaad na hindi pwede ang dumaldal lalong lalo na kung hindi kailangan.”

Nag react ang lahat. At narinig ko si Terence na bumulong. “Kaya mo bang hindi dumaldal?” sabi pa nya habang tumatawa tawa.

“Do you have something to tell, Mr. Smith?” sabi ko. Tumigil sya sa pag ngiti at Umiling.

Tumingin ako kay Chris at nakita ko syang Nakangiti. Yung ibang rules ay nang galing na sa president. Kesyo bawal ang PDA, eh bawal naman talaga yun eh, tska sino namang mag p-PDA dito? Eh wala namang lovers dito. Bawal daw Tumakbo at mag laro sa loob nang klase. Hello? We’re already 4thyear students, sino naman kayang gagawa nun? Well, unless kung may isip bata pa ring natitira dito.

Hindi na lang ako nagre-react dahil ayaw ko syang mapahiya kaya naman nananahimik na lang ako. Katabi nya. napapansin ko talagang lahat ay nakikipag participate. Lahat nakikinig. Miski yung mga makukulit na boys ay nakatingin sakanya nang maigi. Ganto ba talaga pag maganda ang president? Sus. Hindi naman sya ganun kaganda. Hindi rin sya ma-appeal. Siguro ngayon lang sila mabait, dahil transferee tong president namin.

Pag tapos naming mapag usapan ang house rules ay nag bell na. Sa susunod na linggo ay election na para sa Student Council. Siguro, sasali don si Christine. Matalino naman ata sya.

“Hi Mr. Vice president! Sasabay ka ba sakin?” si Chris ang nag salita. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko syang naka-ngiti na naman. Close na talaga kami (sa pananaw nya).

“Wag mo nga akong tawagin nang ganyan. Hindi ko naman yun ginusto.” Sabi ko, irritated. Dahil katabi ko na naman sya ngayon at wala akong choice kundi sabayan syang umuwi. Bakit? Dahil mag katapat lang kami nang bahay.

I Just Met A GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt