Chapter Twenty Two

111 1 0
                                    

Wednesday, pumasok ako. Lalaki ako. Kelangan kong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon nya. Wala namang maiitulong kung mag mumukmok ako sa bahay. Kahit na masakit kelangan ko tanggapin. Kakaasar lang dahil hindi man lang nya ako binigyan ng chance. Ayaw nyang ma in love sakin? Pwede ba yun? Para sakin hindi yun sapat.

“Kris, pinapatawag ka ni Ms. Santos sa office.” Sabi nung classmate ko.

Kahit na narinig ko sya parang ayaw ko pa ring gumalaw sa kinauupuan ko. Nakatungo lang dahil naantok pa kasi talaga ako. Kakapasok ko nga lang sa room eh, pero kelangan ko pa ulit bumama para pumunta sa faculty. Tss

“Janine, bakit daw ako pinapatawag?” tumayo na ako. Wala rin naman akong ibang choice.

“Ewan e. Pero pag daan ko don, andon din si Cj e. Baka may pag u-usapan.” CJ or Chris.

Andon pala sya. Parang ayoko na tuloy pumunta. Bakit ba ko naduduwag sakanya? Pag naririnig ko pangalan nya, parang automatic na umuurong ako.

“Ah, osige.”

Bumaba na lang ako since wala naman ako ginagawa sa room, at wala pa yung tatlo. At saka baka importante ang pag uusapan namin.

Kumatok ako sa faculty, pag bukas ko ng pinto ay si Chris agad ang nakita ng mata ko. Ngumiti sya sakin nung nakita nya ako. Parang may meaning yun ngiting yun. Gusto sana ngumiti pabalik sakanya kaso pag naalala ko yung kagabi, nag a-automatic na lang yung ngiti ko na mawala.

“Bakit tayo pinatawag?”

“May biglaang meeting kasi si Ms. Santos. Ang sabi tayo muna daw mag handle ng class. Eh mga dalawang oras pa daw sya makakabalik.”  What? Two hours? Anong klaseng meeting yun?

Ang malas naman.

“Ganun ba? Ok.” Sabi ko na lang. I don’t want to make a big deal out of it. Tumalikod na ko dahil mukhang yun lang naman ang sasabihin nya. At saka, walang ibang tao sa faculty. Wala nang mga teachers.

“Kris, galit kaba sakin?” napahinto ako sa sinabi nya. Para tuloy kaming nasa pelikula.

Humarap ulit ako sakanya, “Bakit naman ako magagalit?” poker face. Hindi ako nakangiti, at mas lalong ayaw kong ipakita sakanya na nasasaktan ako.

Gusto ko na syang iwasan. Siguro, kung hindi ko mapaparamdam sakanya na mahal ko sya, mas mabuti na rin siguro kung hindi na kami magiging mag kaibigan. Kasi sa ganung paraan, mas mahihirapan lang ako at mas lalo lang akong aasa. Mas ok siguro kung ang isa samin ay iiwas na lang.

Hindi sya nakapag salita. Iniisip kung ano ang pwedeng reason kung bakit ko sya iniiwasan. Ganun ba sya kamanhid? O nag kukunwari lang sya na walang alam?

“Punta na ko sa room.” At iniwan ko na sya. Naasar ako sakanya. Bakit nya ba sakin to nagagawa?

***

“May problema ba si Chris?” si Terence, “parang ang lungkot nya e.”

“Ewan ko.” Maikli kong sagot.

Nasa Cafeteria kami. Natapos na din ang pag babantay ko sa mga kaklase kong maiingay. Nakakapagod pala mag saway. Yung discipline officer kasi ng klase namin, isa ring maingay. Sino pa ba? E di si Terence.

“Ang weird ah. Kagabi lang ang saya pa nun.” Sabi naman ni Warren, “tanong ko kaya kay Arianne.”

“Wag na! Malay mo, miss lang nya ate nya.” Nag tinginan sila sakin.

“May problema kayong dalawa no? Baka naman inaway mo.”

“Sure yan. Kagabi lang nakita ko sila na nakaupo sa bench. Mukhang seryoso pa nga sila e.”

I Just Met A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon