Chapter Seven

224 5 0
                                    

It’s Friday and we are told by our teacher in MAPEH that we should bring our P.E uniforms. Kaya eto ako ngayon, kahit na ayaw kong mag suot nang ganto ay nakasuot ako nang White shirt at jogging pants. This is the very first time na nakapag suot ako nang ganto.

For the previous years kasi ay hindi talaga ako sumusunod sa rules. Ngayon lang talaga. Sabi kasi ni Ate ay Kelangan ko nang ayusin ang pag-aaral ko, since I’m already in my fourth year.

Kung pwede nga lang na hindi na ako mag entrance exams sa mga university pero ang gusto ni Ate ay makapag tapos ako sa magandang school pag dating nang college. Asa naman na makakapasa ako. Mag sasayang lang sya nang pambayad para sa entrance examination fee. Mukhang hindi  naman ako makakapasa sa mga schools na gusto nya. palibhasa, nakapag tapos sya sa Ateneo.

Speaking of that school, may naalala na naman ako. Bakit ba bawat salita o galaw na gagawin ko, may naaalala ako?

Long time ago, Tina asked me kung saan ko gusto pumasok for college. And I said na kung saan sya papasok ay doon na din ako. But that was before. Hindi ko na pinapangarap na sundan sya. I’m not bitter, well, maybe I am. Hindi ganun kalimutan ang lahat.

The fact na iniwan nya ako nang ganun ganun lang at ang masaklap pa ay nag karoon agad sya nang asawa at the age of 18.

Pinalapit na kami nang teacher namin sa MAPEH sa gitna nang Gym. Kelangan muna daw namin ang mag warm up para naman iwas sakit nang katawan. Matagal tagal na din akong hindi nakakapag basketball.

Maya maya ay nag umpisa na ang game. Hinati sa dalawang grupo ang boys at ganun din naman sa girls. Ka-grupo ko si Drey na may onting skills sa pag lalaro nang basketball at si Warren. Si Terence naman ay nasa kabilang grupo.

Maya maya lang ay nag ka-karon na nang tensyon ang bawat isa. Madaming nag chi-cheers na galing sa girls. Puro sila tili at sigaw. Nakita ko naman si Chris na naka-upo lang sa tabi. Suot-suot na naman yung eye glass nya at naka-braid pa ang buhok  nya. Bagay sakanya. Hindi man lang sya nag chi-cheer. Ibang iba talaga sya.

Nawalan na ako nang gana after nang game kaya naman nag pa-sub na lang ako. At sa end nang game ay kami naman ang nanalo.

After nang nakakapagod na laban ay dumiretso ako sa Drinking Fountain para uminom pero ipe-press ko pa lang button para lumabas ang tubig ay may Humawak na sa braso ko.

“Ito na lang ang inumin mo oh. Binili ko yan.” Si Chris. Buti naman at naisip nya akong bilhan nang tubig. Hindi na ako nag salita pa. Kinuha ko na lang ang bottle at saka uminom. “Hindi ka man lang magte-thank you?” narinig kong sabi nya.

Tumingin lang ako sakanya at saka umalis sa pwesto ko. Hindi ko na sya pinansin. Tss. Thank you? Uso pa ba yun?

Pumunta na ako sa shower room at naligo. Nag palit at nag pa-bango. Bumalik na ako sa classroom dahil meron pa kaming last period sa English. Sabay sabay na kaming bumalik nila Warren, at Drey. Wala na naman si Terence. Siguro ay na-una na yun sa klase.

Pumasok na kami sa room at andon naman na agad si ang teacher. Una kong napansin ay si Chris. Pero hindi na katulad nang kanina ang buhok nya. naka-lugay na sya at medyo kulot kulot pa ang buhok. Pag ka-upo ko ay kinausap ko sya, “Bakit mo tinaggal yung tali nang buhok mo?”

Tumingin lang sya sakin at hindi sumagot. Dahil dito, hindi ko na lang sya kinausap buong period.

Natapos na ang English class pero hindi pa din kami nag papansinan. It’s okay. Hindi naman kawalan kung ayaw nya akong kausapin at ganun din naman ako. Pabor ako don. Mas okay nga kung hindi nya ako kinakausap eh.

Wala kaming lakad ngayon kaya naman umuwi akong mag isa. Napapaisip ako kung may nagawa ba akong masama sakanya o kaya naman bagay na hindi nya nagustuhan.

Nararamdaman kong nasa likod sya at nag lalakad. Kaya naman huminto ako sa paglalakad. At bigla na lang syang bumangga sa likod ko.

“Ouch.” Lumingon ako sakanya at nakita kong hinihimas nya ang ulo nya.

“Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.” Sabi ko. Hindi pa rin nya ako pinapansin. Ano ba problema nya?

“Sorry.” Sabi lang nya at hindi na nag salita. Yumuko sya at humakbang sya papalayo. Bago pa sya makahakbang at makalayo ay hinawakan ko ang braso nya. huminto sya pero hindi sya Lumingon sakin.

“Sorry.” Sabi ko. Hindi ko alam kung para saan yung sorry, pero sa tingin ko ay papansinin na nya ako kung mag so-sorry ako sakanya. “Sorry kung may nagawa ako sayo.” Hindi sya sumagot sa sinabi ko. Natahimik na rin ako pero nahawak pa rin ako sa braso nya. para tuloy kaming nasa Korean drama.

Maya maya ay Humarap na sya sakin kaya naman binitawan ko na ang braso nya. Tumingin sya sakin at ngumiti.

 Ngumiti sya. Yun lang? Walang man sinabi?

Lumakad na sya papalayo at ako naman ay naiwan papalayo. Sumigaw ako, “Wala ka man lang sasabihin?” pero mas lalo pa syang yumuko.

Dahil sa nangyari ay umuwi na lang ako. Siguro nga ay may kasalanan ako sakanya. Ewan ko. Mas okay siguro kung hindi muna kami mag uusap.

Pero, teka? Ano naman kung hindi nya ako kausapin? Bakit ba masyado akong apektado?

Pag uwi ko sa bahay ay agad akong nag pahinga. Biglang pumasok sa isip ko yung deal namin nila Drey. itutuloy ko pa ba? pag tinuloy ko ang mga gusto nila, baka magalit sakin si Chris.

pero, hindi naman nya malalaman diba?

**

“Kris? Kris?” minulat ko ang mata ko nang may marinig akong boses na tumatawag sakin. Malamang ay si ate Cherry yun.

Nakatulog pala ako.

“Kris, nakahanda na ang dinner.” narinig ko pang sabi nya. pag tingin ko sa orasan ay 7 pm na. ngayon lang umuwi nang maaga si Ate Cherry. Ano kayang meron?

“Yes ate. Susunod na lang ako.” narinig kong umalis na sya sa tapat nang upuan ko. kaya naman nag hilamos muna ako at bumama para kumaen.

Nakita kong nag luto nang pagkaen si Ate. Ngayon na lang ata ako kakaen nang totoong ulam. After naming kumaen ay nag stay muna ako sa dining area at nakipag kwentuhan sakanya.

Tinanong ko sya kung musta na ang mga Gawain nya sa trabaho at kung nahihirapan ba sya. Sabi nya, lahat naman daw nang bagay ay mahirap pero kung purisigido kong may maabot, gagawin mo ang lahat. na-amazed pa nga ako sakanya sa sinabi nya. Ang lalim masyado.

Sya naman ang nag tanong sakin. Tinanong nya ako kung musta na ang pag-aaral ko at sinabi ko sakanya na mukhang magiging okay ang school year na to.At mukhang natuwa naman sya dahil sa sinabi ko.

Maya maya ay bigla na lang akong tinanong ni ate tungkol sa bagay na hindi ko inaasahan.

“Kelan mo naman dadalhin ang girlfriend mo dito?” natatawa nyang tanong. Miski ako ay natawa sa tanong nya. Girlfriend? napaisip ako.

“Meron ba ako nun, ate?” sabi ko sakanya. Mas lalo syang napangiti.

“Oo naman! Ikaw pa. Eh ang gwapo gwapo mo.” napa-ngiti ako sa sinabi nya.

“Hindi ko pa sya nahahanap eh.”

Totoo yun. Kahit na parang ang saya-saya ko na sa buhay ko. May kaibigan ako at andyan si Ate, pakiramdam ko wala na akong hahanapin. Pero minsan, tska ko na lang nare-realize na may kulang pa rin sa buhay ko.

Hindi nga ako seryoso sa buhay ko eh. hindi ako seryoso sa pag-aaral ko. pero sinisikap ko na mag bago para kay ate.

Nakikipag flirt ako sa kung kani-kaninong mga babae, pero..

isa lang naman talaga ang mahal ko.

pero ang masaklap, iba ang mahal nya.

 Warren on the side <3 

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now