Chapter Nine

201 5 2
                                    

“Bro, ano nang nangyari sa usapan natin? Mukhang hanggang ngayon ay hindi ka pa din gumagalaw ah.” sabi ni Drey sakin.

Syempre, hindi pa rin nya nakakalimutan ang mga pinag usapan namin. Bakit naman kasi ako pumayag doon? Eh hindi nga kami nag papansinan ni Chris.

At saka bakit ba kasi sya nag bago nang ganun-ganun lang? Hindi naman sya ganun makitungo sakin nung una eh.

“Tigilan na natin yun. Ayoko na.” sabi ko. Hindi ko naman talaga kayang gawin ang gusto nya. Mukhang mahirap pa atang pasagutin yung babaeng yun. Eh mukhang hindi pa nga nag kaka-boyfriend.

“Ang weak mo naman.”

**

“Ang weak mo naman.”

Hindi ko makalimutan ang sinabi saki ni Drey. Ayoko sa lahat ang sinasabihan ako nang WEAK. Dahil unang-una, hindi ako Weak. Ipapakita ko sakanila na kaya kong gawin ang gusto nilang mangyari!

Nandito ako ngayon sa tapat nang bahay ni Chris. Ito na nga siguro ‘to. Kelangan ko na ngang siguro ituloy ang gusto nila.

Nag doorbell ako sa pinto and it takes minutes bago lumabas si Chris. Pagka-open nya nang gate ay nagulat sya sa nakita nya. Hindi naman kasi normal ang pag pag punta ko sa bahay nila.

“Why you’re here?” she looks so cute. I admit it. Dati pa lang ay sobrang nagagandahan na ko sakanya. Nababawasan lang dahil sa pagiging maingay at ignorante nya.

She’s wearing a shirt with a big smiley on it. Nakasuot din sya nang pajama. Ganto lagi ang suot nya pag nasa bahay lang sya. But still, maganda pa din sya. Suot pa din nya ang salamin nya at naka-pony ang hair nya.

“Uhmm..” hindi pala ako prepared. Bakit hindi ko man lang inisip ang sasabihin ko?

“Ano?” napa-kunot noo sya, “tatayo ka lang ba dyan?”

“Ano kasi…” ngayon pa ako kinabahan. “yayayain sana kita mamaya manuod nang movie.”

“Movie?” Oo, movie. Hindi mo ba yun alam? Kelangan mo pa talaga ulitin?

“Oo, sana. Kung gusto mo.” parang ilang sandali na lang ay tutumba na ako sa kaba. Hindi naman ako ganto, sakanya lang talaga.

“Ano namang movie?” mukhang mapapapayag ko pa sya ah.

“Bahala ka. Ano bang gusto mo?”

“Gusto ko? Madami akong gusto eh. I-lilibre mo ba ko?” tanong nya. Medyo cold pa nga ang tono nang boses nya. Galit ba talaga sya?

“Oo naman. Itext mo na lang ako mamaya kung anong movie ang gusto mo.” sabi ko naman.

“Okay, sige.” isa-sara pa lang nya sana ang gate pero bigla ko syang pinigilan. “Bakit?”

“Uhm.. Chris, galit ka ba sakin?”

“Galit?” kanina pa nya inuulit ang sinasabi ko. Di ba pwedeng sagutin na lang nya agad?

“Oo. Baka kasi may nagawa akong di mo nagustuhan, o kaya naman may nasabi akong hindi maganda.” sincere ako ngayon.  nakakapanibago pala kung yung taong laging Nangungulit sayo ay iniiwasan ka na.

Ngumiti sya, “Hindi ako galit. I-tetext na lang kita ha.” sabi nya. Napanatag na ako. Mukha kasing bumalik na sya sa dating Chris.

“Wait lang.” pag pipigil ko ulit.

“Meron ka pa bang sasabihin?”

“Paano mo ko i-tetext eh hindi mo pa naman kinukuha ang number ko.”

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now