Chapter Eight

199 4 0
                                    

Monday na naman at ngayon ang araw kung saan pipili kami nang mga club na gusto namin. Isang club lang per student. Hindi pa ako nakakapag decide kung saan ako mag jo-join. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga activities kaso wala naman exception.  Kelangan lahat ay mamimili. Merong ibinigay na papel sakin kaninang umaga bago ako pumasok sa classroom at dito ko daw ipasulat sa mga classmates ko kung ano ang club na napili nila.

Pag pasok ko sa classroom ay agad ko namang ina-announce kung ano ang dapat gawin. ang secretary naman nang klase namin ay sinulat sa board kung anu-ano ang mga clubs na pwedeng salihan.

pinaikot ko ang papel at isa-isa silang nag sulat. Dahil ako naman ang president ay ako na lang ang huling sumulat sa papel. At ang napili ko ay Photography club. Wala akong choice. Hindi naman ako kumakanta kaya bakit ako pupunta sa Music Club? At mas lalong hindi ako sumasayaw kaya naman hindi ako nag palista sa Dance Club. Ayoko naman pumunta sa Science, Math or English Club. Kaya sa photography na lang ako.

After nang homeroom period ay lumabas na kami nang room dala-dala ang mga gamit namin para pumunta sa kanya-kanya naming mga club na napili namin. Humiwalay na ako kela Drey at Terence. Si Drey kasi ang pinili ay Math Club. Si Terence naman ay sa Music Club para daw matuto sya kumanta. What’s the sense of singing? Psh.

Kami naman ni Warren ay parehas Photography Club. Hinahanap ko si Warren para sabay kaming pumunta sa club namin pero hindi ko sya makita kaya naman dumiretso na lang ako sa place namin pero pag dating ko doon ay wala nang available seats. At nung papasok pa lang ako ay sumalubong agad sakin si Warren. Kanina pa pala sya Andito.

“Bro, bakit ang tagal mo? Wala ka nang space.” Halata ngang wala nang space. Puno na nang mga estudyante.

“E di kukuha na lang ako sa kabilang room nang upuan.” tatalikod pa lang sana nang biglang

“No. I mean, hindi ka na pwede sa club na to. Puno na. Dapat 150 lang ang members. Sana kasi nag madali ka.”

“What?! Eh ano nang gagawin ko?” nagulat ako sa sinabi nya. Wala na daw para sakin?

“Pumunta ka na lang sa club ni Drey o kaya naman ni Terence.” sabi nya at bigla akong tinapik sa balikat, “Sige bro.”

Pakiramdam ko sumali ako sa audition at nalaman kong hindi ako natanggap. Pakiramdam ko ang bigo-bigo ko.

Bakit naman kasi na-huli ako?

Naasar ako. Wala man lang syang ginawa para naman masali ako sa lecheng club na yan. Eh hindi naman pwede ang hindi sumali. Sana isinulat na lang nya agad yung pangalan ko, para member na ako agad. Haaay! Naasar talaga ako!

Dahil sa sobrang pag ka-inis ay umupo na lang ako sa tabi at hindi na ako nag atubiling pumasok pa sa mga club na yan. Math club? Ayoko nga! ni hindi nga ako nag so-solve at Ayoko sa numbers. Music Club? Hindi ako mahilig sa music at lalo nang hindi ako kumakanta. Nakaka-frustate lang pag iniisip ko.

“Bakit ka nandito?” may nag salita mula sa likod ko kaya Lumingon ako. Pag ka-kita ko, si Chris. Buti naman at dumating sya, “at kelan pa nag pasimunong mag cutting ang president?” at nasabihan pa talaga akong nag ka-cutting?

“Hindi ako nag ka-cutting.” akala ko naman may makakatulong na sakin yun pala pampadagdag lang nang sama nang loob.

“Gusto mo bang i-report kita?”nagulat ako sa sinabi nya. Ako? ire-report nya? Tss. Iba na talaga sya. Ito ba ang gusto nya? Tumayo ako sa kinauupuan ko.

“Eh di mag report ka.” nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Ako pa ang tinakot nya!

Ganto palang tratuhan ang gusto nya? E di ibibigay ko. Psh! Hindi sya kawalan!

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at umalis na lang, siguro ay Babalik na sya sa club nya. Sabihin nya, hindi lang nya talaga kaya.

Mas lalo lang akong naasar sa naging conversation namin ni Chris. Bakit kasi kailangan pa nyang dumating?

Pumunta ako sa office para i-report na wala na akong club na masasalihan. At nang pag punta ko ay nalaman ko na kung saan ako dapat pumunta…

“May humahabol na bagong member. Let’s welcome, Mr. Kristopher Diaz from 4th year-A.” biglang nag palakpakan ang mga estudyante na ka-member ko NA.

Sa sobrang bwiset ko ay hindi ko na pinansin ang introduction nang moderator namin. Naasar ako. Nabi-bwiset. Sa dinami-dinami naman nang mapapasukan ko, dito pa. Kung saan makakasama ko si Chris. Yes, good luck naman sakin. I’m now officially a member of Music Club.

But well, isang taon lang naman to. Mati-tiis ko pa naman. Yung katabi ko sya, nati-tiis ko pa eh. Ito pa kaya na once a month lang?

“Akala ko ba ayaw mo dito? Eh bakit ka nandito? Haha. Baka naman tinadhana talaga kayo ni Chris?” pang-aasar sakin ni Terence. Sabi ko na nga ba aasarin lang ako nang lalaking to. Kaya ayoko sya makasama eh.

“Tumigil ka nga.” sabi ko.

“Asar talo ka talaga no.” tinitigan ko lang sya nang masama at maya-maya ay tumigil naman na sya sa pang-aasar.

Wala pa naman kaming activity sa araw na to. Kaya naman pinag introduce lang kami nang sarili namin. Kelangan naming sabihin ang name namin, year and section. At ang reason kung bakit Music Club ang napili namin. Ako, kamalasmalasan ko lang naman talaga eh. Hindi naman talaga to ang gusto ko. Parang gusto ko na talaga mag walk out.

“Let’s start with the boys first.” yan ang sabi nang teacher.

Si Terence ang unang nag salita.

“I’m Terence Smith. Uhmm, I’m half-American, hindi nga lang Halata dahil dito na talaga ako sa Pilipinas lumaki and I’m proud to be one.” Halatang Halata sa mukha nang mga estudyante na naamaze sila. Palibhasa hindi sila sanay na may mga half-half sa school namin. “I’m from 4th year-A, classmate ko si Kris, yung gwapo dun oh.” sabay turo sakin at nag tinginan naman ang lahat sakin, “pati yung maganda don sa sulok.” dahil dun sa sinabi nya ay Napatingin ako sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri nya, si Chris lang naman pala. Maganda? Maganda. Ha! “Ang reason kung bakit ako sumali sa Club na to ay dahil gusto ko talaga matutong kumanta, para naman pag may nagustuhan na akong babae, kakantahan ko sya.” yun pala ang reason nya kung bakit sya sumali. Ang corny naman.

Mga nag react naman ang mga babae. Karamihan kasi nang members ay babae. Bilang na bilang lang siguro ang boys.

“Wow, of course mapag-aaralan mo din yan Terence. Thank you.” sabi nang teacher, “Next, let’s call on Christina.” tumayo naman sya sa kinauupuan nya at Halatang Halata na confident sya. Nakangiti pa sya habang nag lalakad papunta sa unahan.

“Hello everyone! I’m Christine Jane Castillo from 4th year-A, but you call me CJ or Chris. This is my first time to be on this club. Kasi transferee ako. I’m originally from United States at doon ako nag aral for several years. But hindi ako katulad ni Terence na half-American.” ngumiti sya at ganun ulit ang mga reaction nang iba, na-amaze na naman sila. “The reason why I joined this club is because I really want to sing.” gusto lang pala nyang kumanta, eh di sana nag rent na lang sya nang videoke at kumanta sya forever. Ano ba naman yang mga reason nila ang babaw! “At pag gumaling ako sa pag kanta, I’ll sing a song for the one I love.” kinilig ang lahat sa sinabi nya. Miski ako ay nagulat. Nahawa tuloy sya sa ka-cornyhan ni Terence kanina.

Miski yung teacher namin ay kinilig. Baka naman sila ni Terence ang mag katuluyan tutal iisa lang naman sila nang goal.

Ako na ang Sumunod na tinawag. Simple lang naman ang sasabihin ko.

“Kristopher Diaz is the name. From 4th year-A. First of all, wala akong talent sa pag kanta. At isa pa, hindi naman talaga ito ang choice ko. Na-pilitan lang ako dahil wala nang iba pang mapupuntahan.” may moment of silence. At mukhang nagulat ang lahat sa sinabi ko. Kanina lang ay ang saya-saya nila pero ngayon ay parang nawala yung mga ngiti nila. Yung moderator namin ay parang nainsulto pa sa sinabi ko, “pero dahil Andito ako ngayon sa harap nyo. I’ll promise that I’d be loyal and good to this group.” bumawi ako sa sinabi ko kanina. Bigla silang nag palakpakan at mukhang natuwa sa sinabi ko.

Well, that’s me.

---

Drey on the side :D

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now