Chapter Two

438 11 5
                                    

Chapter Two~

Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Katatapos lang nang klase. After one hour ay Babalik na ulit kami sa klase. Kasama ko ang mga tropa ko, si Warren, Drey at si Terence. Nagtatawanan sila, hindi ko alam ang dahilan. Ikiniwento ko sakanila ang nangyari nung papasok ko. About dun sa lampa at kung paano sya maging friendly sakin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun ang kilos nya. Baka naman hindi nya nakita ang mukha ko. Hindi nya siguro ako namumukaan. Kasi kung naalala nya, sigurado ay hindi yun tatabi sakin at hinding hindi pa sya makikipag kamay sakin.

Okay naman ang first class, dahil wala pa kaming klase. Ayoko nga mag physics. Kaso ang nakakaasar talaga ay ang pag pipilit nung lampa na babae na  yun na kausapin ako eh Halatang Halata naman sa mukha ako na ayaw ko sakanya. Hindi sya sumusuko. Tinatanong pa nga nya ang pangalan ko pero hindi ko sya pinapansin dahil napaka-annoying nya pero sobrang kulit at daldal ba naman ni Terence at sinabi pa ang pangalan ko. Nagulat pa nga sya dahil parehas daw kami nang pangalan. Doon ko lang na-realize na oo nga, parehas kaming may Chris sa pangalan. Dahil don ay mas lalo akong pinagtawanan nila Terence.

Habang kumakaen ay biglang dumaan si Lampa, ay sino nga pala sya? Si Chris? Chris what? Ano ba naman yan. Wala naman kasi akong interest sa pangalan nya. Nung dumaan sya ay bigla syang nag wave sakin, “Hi Terence!” sabi nya with a wide smile. Kay Terence pala sya nang hi, hindi sakin. Close na agad sila. Kulang na nga lang ay palayasin nila ako sa gitna nila at mag usap na sila. Parehas pa silang madaldal. Wala na talaga akong pag-asa na magkaron nang mapayapang buhay.

“Hello Chris! Si Kris oh, Andito.” Sabay turo sakin pero hindi ako nakatingin kay Chris. Okay, binabanggit ko na ang name nya. Ang awkward naman. Sino bang Kris/Chris ang tinutukoy nya?

“Tumigil ka nga dyan.” Bulong ko kay Terence. Nasa kabilang side sya nang table kaya naman hindi ko sya agad mabatukan.

“Hello Kris.” Sabi nya sabay lakad papunta sa kabilang table bitbit bitbit ang libro nya. First day of school pero may books na agad sya. Biglang nag tawanan ang mga loko. Ano bang problema nito?

“Ganda nya no?” sabi ni Terence na ikinagulat ko. Ganda? San banda? Hindi ko sya pinansin. Alam ko namang pinagto-tripan na naman niya ako.

“You’re right.” Sabi ni Drey. Napatingin ako sakanya. Himala nag salita sya. Hindi naman kasi ito karaniwang nakikisalo sa mga usapang chicks. Scratch that. Hindi naman chick si Chris.

“What did you say?” tanong ko sakanya. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa sinabi nya.

“She’s beautiful. Pinagmamasdan ko nga sya kanina eh.” Sabi nya sabay tingin sa pwesto ni Chris. Mag isa lang syang naka-upo. May sinusulat syang kung ano.

“Bulag ka ba? O na-hypnotize ka nya? ang dumi nga nyang tignan.” Sabi ko na medyo naasar na.

“Kasi nga nadapa sya kanina. Ewan ko ba sayo kung baki hindi mo tinulungan.” Sabat naman ni Warren. Aba kanina lang pinagtatawanan nila ako, ngayon naman kinakampihan nila yung babaeng yun.

“Ang lampa nya kasi.” Maikli ko lang na sagot.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now