Chapter Six~

219 7 0
                                    

Nakakapagod din pala kung sobrang daldal nang kasama mo. Sabay kaming pumasok ni Chris. Napag usapan kasi namin, total DAW mag kapit bahay naman kami ay mag sabay na lang kami sa pag pasok. Actually, hindi ako pumayag non pero pinilit ako nila Drey at Terence. Sabi nila chance ko na daw yun para mapalapit sakin si Chris. Siguro nga kahit hindi ko na suyuin si Chris eh, kusa naman kasi syang lumalapit sakin. Minsan nag e-enjoy akong kasama sya, pero minsan naasar naman ako dahil sobrang ingay nya. Minsan pa, parang iba yung kilos nya. Para syang bata na ignorante. Kaya minsan nahihiya ako kapag kasama sya. Sabi pa nga nya nung isang araw ay ilibot ko daw sya sa buong campus at ako ang magiging guide nya. Ano sya sineswerte. Syempre, hindi ako pumayag. Alam ko kasing mag-iingay lang sya. At isa pa, napaka-friendly nya. Siguro kung may makasalubong sya, ngingitian nya o kaya naman nag ha-hi sya. Nakakayamot kaya. Ganun ba talaga sya? O pag kasama lang ako? Ewan ko na. basta ang alam ko, annoying sya.

Ngayon nga, hindi na sya masyado lumalapit sakin dahil may friend na sya. Si Arianne, ang kapatid ni Terence. Aba, close na close na nga agad sila eh. Pinag uusapan nila si Josh Hutcherson bay un? Basta yung pogi daw. Yung sa Hunger Games, eh ang liit liit nun. Tss! Mas pogi pa nga ako dun eh.

“Oy ano na? Sasama ka ba?” si Terence na naman as usual.

“San ba kayo pupunta?” tanong ko. Niyaya kasi nila ako eh hindi ko naman alam kung saan sila pupunta.

“Sa Bar nga. Mangchi-chix!” sabi niTerence. Medyo nasiyahan ako sa sinabi nya. Chicks daw, eh mag papahuli ba ako dyan.

“Tara na!” kinuha ko na ang gamit ko at saka isinabit sa balikat ko ang bag ko. Katatapos lang nang klase. Actually, medyo nag uumpisa na kami sa lesson. Pero wala naman ako nainitindihan.

“Ang bilis mo talaga bro! Tara na!” isinakbit na rin nila ang mag bags nila at nag umpisa nang lumakad.

“Uy!” narinig namin si Chris na sumigawkaya naman napalingon kami. Sabay sabay pa kaming lumingon. Sakin sya nakatingin kaya naman nag salita ako.

“Oh?” sabi ko, baka kasi may sasabihin sya.

“San ka Pupunta? Diba sabay tayo?” oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan.

“Aalis kami. Umuwi ka na lang mag isa.” Sabi ko sakanya. Mas prefer ko pa ang manchix kesa sa makasama tong maingay na babae na to.

“Hindi pweddddeeee!” sigaw nya sabay hawak sa braso ko.

Tinggal ko yung braso nya, “Ano ba yan. Wag ka nga humahawak sakin nang basta basta lang.”

“Sabay na tayo. Gagala ka na naman.” Nag pout sya. Suot pa rin nya ang salamin nya.

“Umuwi ka na.” tumalikod na ako. Ang lapit lapit lang nang bahay nya, tapos kelangan talaga may taga-hatid sya.

Hindi ko na sya pinansin at hindi naman sya agad nag react. Hindi na rin ako lumingon pa.

“Sure ka bang hindi mo sya sasabayan pag uwi?” si Drey. Nag aalala ba sya para sa babae na yun?

“Hayaan mo nga sya. Malaki na sya.” sabi ko habang naglalakad pa din. Sumakay na kami sa sasakyan  ni Terence. Buti naman at hindi na nila ako inaasar sa babaeng yun. Ewan ko ba kung bakit paiba-iba ang mood ko. Parang Ayoko mag tagal na kasama si Chris.

“San nyo gusto pumunta?” tanong ni Terence. Medyo nagugutom na ako kaya naman nag suggest ako na kumaen muna kami. Pumayag naman sila.

“Dapat kasi sinama mo na si Ms. President, para naman hindi ka nakabusangot dyan.” Sabi ni Drey at bigla silang nag tawanan. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila, pero nag init ang mukha ko. Inuumpisahan na naman nila ang pangangasar.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now