Chapter Twenty Four

110 1 0
                                    

“Next week will be your 1st trimester examination. Be ready.” Nung narinig namin yun, lahat kami nagulat. Well, expected naman na talaga namin na meron talagang trimester exam pero gusto pa rin naming magulat. Hahahaha

Ang totoo nyan, hindi pa kasi ako nakakapag review. At kailangan ko pa bang ulit ulitin na nakakatamad kasi mag buklat ng libro? Minsan, sa gabi gusto ko talagang mag basa ng libro, gusto ko mag review ng lessons namin pero nakakatulog lang ako sa tuwing tinititigan ko yung mga numbers. Nakakaantok talaga at yun ang katotohanan. Kaya naman kinausap ko si Chris na kung pwede ay sabay kaming mag review. Ito ang sabi nya.

“Ah, kasi itu-tutor ko si Arianne at Dwayne.” Tapos nag isip sya. Ang akala ko nga hindi sya papaya pero bumawi sya, “Osige na nga. Mamayang gabi na lang, ok?” tapos ngumiti sya sakin.

E di syempre, laking tuwa na naman ang naramdaman ko. Bukod sa nakasama ko sya sa review namin para sa exam  namin sa DLSU ay makakasama ko ulit sya ngayon para sa trimester exam namin. Ang daming blessings na dumadating sakin. Pero minsan, naiisip ko baka hanggang dito lang talaga yung blessing ko. Yung makakasabay ko sya sa pag pasok, sasabay kami sa pag uwi at mag sasabay kaming mag-aral. Baka hanggang don lang yun. Hanggang classmates and friends lang.

“Punta tayo kela Warren. Birthday daw ni Arianne e.” Yaya sakin ni Terence.

Birthday ni Arianne? E akala ko ba itu-tutor nya ngayon si Arianne at Dwayne? Ang gulo ah. Ay oo nga pala! Nung nakaraan ay nag babalak si Dwayne na mag karoon ng surprise party para kay Arianne at gusto pa nga nya isama nun si Chris. Tapos nung araw ding yun, sinabi nya sakin na may gusto sya kay Chris.

“Anong oras?”

“Mga 7 pm daw ang start. Kaya makakauwi pa ko.” Sabi nya. E 7 pm daw kami mag re-review. Alam kaya nya na birthday ngayon ni Arianne?

Agad agad akong pumunta sa faculty room para tignan kung andon ba si Chris. Baka kasi nakikipag meeting sya sa mga Music club officers, malapit na din  kasi ang Club meeting eh. Pag ka-silip ko ay andon nga sya. Nakatalikod sya at nakikipag usap sa isang estudyante. Pumasok ako at nakitang wala namang mga teachers sa loob.

“Ate, ipinabibigay nya to oh. Sabi nya crush na crush ka daw nya.” Pag tingin ko sa Identification Card nung babae ay third year student sya. Tapos may inabot syang tatlong piraso ng red roses kay Chris na dahilan ng pag ngiti ni Chris. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino ang may gawa nito. Malamang si Dwayne na naman. Ang endless na ka-cornyhan  nya. Psh

Kinuha ko ang stapler na nasa ibabaw ng lamesang malapit sakin at inilaglag ito sa sahig para malaman nyang nasa loob din ako ng faculty. Napalingon agad sila saking dalawa.

“Oh, Kris. May kailangan ka?” tanong nya na sobrang laki ng ngiti. So kinikilig sya?

“May itatanong pala ako sayo.” Sabi ko sakanya. Seryoso. Hindi ko na naman mapigilang mainis sa nakita ko.

Flowers lang naman yun ah. Wala namang nakakakilig don. Ang kinaiinisan ko lang ay yung katotohanan na hindi ko yun magagawa sakanya.

Lumapit sya sakin, “Ano yun?” hindi pa rin nya inaalis yung ngiti nya at hawak hawak pa rin nya ang flowers nya kaya nag uumpisa na akong ma-annoy.

Hinila ko sya palabas ng faculty. Ayoko ngang marinig ako nung kasama nyang babae.

“Alam mo ba na birthday ni Arianne?”

Napalaki ang mata nya. “Nakalimutan ko. Hala. Sobrang busy kasi e.” Hindi na sya mapakali, “pwede bang samahan mo akong bumili ng regalo after ng uwian?” yung mga mata nya parang nagmamakaawa sakin.

“Osige. Yun lang pala e.” Sabi ko sakanya.

Kahit papano ay makakasama ko pa rin sya kaya ok na samahan ko sya. At saka para masamahan ko na rin sya sa bahay nila Arianne at Warren. Malay ko ba kung andon din si Dwayne tapos duma-moves sya kay Chris.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now