Chapter Eleven

169 4 0
                                    

Bagong araw na naman. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pumunta sa school kung mabi-bwisit lang din naman ako. Dalawang bagay ang kinaiinisan ko. Una, si Christine na masyadong maarte. Ayaw pa nga nya mag paligaw sakin. Natalo tuloy ako sa pustahan. At pangalawa, ang mga kaibigan kong buang na walang sawa sa pangaasar sakin.

Hindi ako natutuwa sa lahat nang nangyari sakin. At hindi rin ako natutuwa sa tuwing makikita ko si Chris. Parang merong something sakanya na nagpapainis sakin. Dahil ba kapatid sya ni Tina? Dahil ba kapatid sya nang taong nanakit sakin?

Naasar lang ako pag naalala kong hindi sya pumayag sa gusto kong gawin. Hindi man lang nya sinabi sakin ang dahilan.

Wait. Baka naman may boyfriend na sya? O kaya naman alam nyang naging GF ko ang ate nya?

Hindi naman siguro. Hindi naman siguro ibabanggit ni Tina ang about sakin.

Pag pasok ko ay katulad pa rin nang kahapon. Nag try ngumiti sakin si Chris pero hindi ko sya pinansin. Bakit ba nakakakaya nyang mag act na parang wala lang ang lahat? Ganun ba sya ka-ignorante?

“Kris, galit ka ba sakin? Kahapon mo pa ko hindi pinapansin.” Halatang sa voice ni Chris na malungkot sya. Malungkot saan? Hindi ko sya maintindihan. Ayoko syang Tignan. Ayoko syang makasama.

“Paano pag sinabi kong oo, lalayuan mo na ko?” iritado kong tanong. Wala akong pake kung masaktan ko ang damdamin nya tutal sya naman ang naunang manakit.

“Ha? Ibig sabihin, galit ka nga?” napaka-ignorante talaga nya. Wala syang kaalam-alam. Napaka-manhid! Nakaka-bwisit!

“Oo. Kaya layuan mo ko.” pag tapos kong sabihin yun ay umalis na ko. Sabi ko nga kanina wala akong pake kung masaktan ko sya.

Mas pinili nya ang gantong ako. E di ibibigay ko.

“Hindi pa rin kayo nag papansinan?” tanong ni Warren. Malamang si Chris na naman ang tinutukoy nya. Bakit ba lagi syang nasa topic? Hindi ba pwedeng iba naman?

“Hindi.” lumagok ako nang softdrinks na hawak ko.

“Mahirap yan. Officers pa naman kayo.”

“Wala akong pake. Kung gusto nyang sya na lang ang maging president, eh di sya na. Hindi ko sya pipigilan. Tutal, kayo lang naman ang may gusto na maging presidente ako.” pag tapos kong sabihin yun ay umalis na ko.

Hindi naman ako masungit. Pero parang naumpisahan ang linggo ko na ganto. Pakiramdam ko Kelangan kong lumayo sa mga taong nasa paligid ko.

“Kris, nag usap na ba kayo ulit ni Christine?” tanong ni Terence. Kaka-alis ko lang kanina sa pwesto ko dahil naiinis ako sa topic ni Warren, ngayon naman ay si Terence.

“Hindi.” pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

“Bakit hindi?” tanong nya pa ulit sabay akbay sakin.

“Kasi hindi kailangan.” sobrang cold ang boses ko. Hindi ba nila nahahalata na Ayoko syang pag usapan?

“Ang cold mo naman. Baka naman broken hearted ka?” napatigil ako sa pag lalakad dahil sa sinabi ni Terence.

Broken hearted? Eh wala nga akong gusto dun sa panget na yun.

“Tumigil ka.” tumitig ako sakanya nang Matagal nang sa ganun ay tigilan na nya ang mga sinasabi nya na walang kakwenta-kwenta.

Pumasok ako sa room. Naka-upo na si Drey. May binabasa.

“Asan na yung dalawa? Mag be-bell na.” sabi nya.

“Mukha ba akong hanapan nang nawawalang tao?” dahil sa pagka-badtrip ko ay napalakas ang boses ko. Nag sitinginan samin ang mga classmate namin.

I Just Met A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon