Chapter Twenty Eight

92 1 0
                                    

Bangag ako. Halos 2 am na ko nakatulog kakaisip kay Christine tapos nagising ako ng 5 am dahil sobrang nagutom ako. Ibang klase pala talaga ang feeling ng in love. Ngayon ko na lang ulit to naramdaman. It’s really been a long time. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag si-sink in yung sinabi sakin ni Christine. Yung... binibigyan na nya ako ng chance. Feeling ko sinagot na nya ako e. Pero hindi pa rin nag ta-tapos yun. Ngayon pa lang ako mag u-umpisa manligaw kaya ibibigay ko na ang best ko.

Bumangon na ako at ang dilim pa pala sa labas. Pag tingin ko sa kusina, wala pa si ate. Siguradong tulog pa yun. Napag desisyunan kong mag luto na lang ng almusal since si Ate Cherry lagi ang gumising ng maaga para mag luto ng kakainin ko, ngayon ako naman ang gagawa nun sakanya. At hindi lang yun, pag hahandaan ko din si Christine ng almusal. Paano ko kaya ibibigay to sakanya? Gusto ko kahit almusal lang to, kikiligin pa din sya at hindi na sya mag dadalawang isip na sagutin ako.

“Oh! Bakit ang aga mo nagising?” gulat siguro si ate. Hindi naman kasi talaga ako nagigising ng maaga e tapos ngayon nag luluto pa ako ng almusal.

“Nagutom ako eh.” Ngumiti ako sakanya, “Upo ka na dyan ate. Ipaghahanda ka ng magaling mong chef.”

“Wow. Anyare sayo? Ano nakain mo? O nanaginip ba ko? Kung oo, paki sampal ako.” at ginawa ko ang sinabi nya. Sinampal ko nga sya.

“Bakit mo ko sinampal ka?!” sigaw nya. Hala. OA ni ate. Ang hina-hina lang nun eh.

“Sabi mo kaya.” May pagka-abnormal din tong ate ko eh.

“Joke lang eh.” Sabi nya habang hinahaplos haplos ang pisngi nya. Muntik na akong matawa pero bumalik na agad ang atensyon ko sa niluluto ko. Baka masunog, mahirap na.

“Siguraduhin mong masarap yan ah.” Sabi nya. Ilang minutes lang at natapos na ako sa niluluto ko. Inabutan ko si ate ng isang plato at inamoy muna nya yun bago sya nag umpisang kumain.

“Hindi naman masarap.” Yun ang sabi nya na ikinagulat ko, “joke lang.” Tapos ngumiti sya sakin, “the best ka talaga.” Buti naman at nagustuhan nya. Ibig sabihin, magugustuhan din to ni Christine.

“Oh, para kanino naman yan?” tanong nya nung nakita nya akong nag hahanda ng pagkain, “mag babaon ka?”

Ngumiti ako, yung sweet na ngiti, “Para sa taong mahal ko.” Napalaki yung mata nya at halos mabulunan na sya sa narinig nya.

“Taong mahal mo? Ikaw? May mahal?” sabi nya after nyang mahismasan. Nag nod ako, “Sino?” determinado syang malaman.

“Bakit ko sasabihin?” naisip ko kasi na pag sinabi ko sakanya, aasarin na naman nya ako. Kaya sasabihin ko na lang sakanya kapag sinagot na nya ako. *Ngiting wagas*

“Kaya pala ang aga mo nagising. Hindi pala talaga para sakin tong almusal na to. Sabit lang pala ako.”

Nilagay ko na sa paper bag yung pagkain, “Wag ka mag drama dyan te. Hindi bagay.” Tapos kiniss ko sya sa ulo nya at umalis na ko.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now