Chapter Ten

177 4 0
                                    

Kahapon, natapos ang araw na hindi maganda. Kaya naman ngayon, nag umpisa ang araw ko na hindi rin maganda. Na-insulto ako kahapon nang tatlong beses at hinding hindi na ako papayag na mangyari pa yun. Isang weak na babae lang naman ang nanakit sa pride ko. Pwes, magkakalabasan talaga kami nang tunay na ugali.

“Hindi ka na ba kakaen?” tanong sakin ni Ate Cherry pagka-labas nang kwarto.

“Hindi na.” maikli kong sagot. Wala ako sa mood mula pa kagabi. At miski sa pag Tulog ko ay nababagabag ako.

Umalis ako nang bahay na nakabusanggot. Buti na lang at hindi ko nakasalubong si Christine Jane Castillo sa daan. Kung pwede nga lang ay hindi ko na sya makita. Kaso paano nga naman yun mangyayari, eh sa iisang school lang kami nag-aaral, at isa pa mag kaklase kami.

Nag lakad ako papasok sa school nang mataimtim. Walang Nangungulit. Walang epal. Walang maingay.  Mas okay ‘to kesa sa dati. At sana nga ay mag tuloy-tuloy na.

Pag dating ko sa school ay kadadating lang din nila Drey, at Terence sakay nang kotse. Sa iisang village lang sila naka-tira at ako lang ang naiba. Himala, hindi nila kasabay si Warren.

“Bakit ka naka-busanggot dyan?” naka-ngiting sabi ni Terence. Oh, this is what I hate about Terence. Kaibingan nga sya. Tipong, naka-simangot ka na lahat pero himbis na hindi ka na nya bwisitin pa ay mas gagawa pa sya nang paraan para ma-bwisit ako.

“That’s none of your business.” sabi ko. At sabay pasok sa gate. Natawa lang sya at biglang humabol sakin sa pag lalakad.

“Let me guess.” nag isip sya, pero hindi ko sya pinapansin, “siguro…”

“Stop. Don’t start my day with your joke.” sabi ko at lumakad na papasok. Alam ko namang si Chris na naman ang ipapasok nya sa topic. At ayaw kong marinig ang name nya.

Pumasok na ko sa room at nakita kong naka-upo na si Chris sa upuan nya. May doubt pa nga ako kung tutuloy ako sa upuan nya. Hindi ko alam kung ia-approach ko ba sya o hindi. At ang tanong, papansinin kaya nya ako? Baka nga ay hindi pa nya ako pansinin dahil sa sinabi ko sakanya kagabi.

Pumasok ako at nag lakad. Umupo ako. Pinapakiramdaman ko lang kung kakausapin ba nya ako.

“Oh. Hi Kristopher! Good morning!” high energy nyang bati.

Hindi ko sya pinansin. Asa sya.

“Oh? May sakit ka ba? Masama pakiramdam mo?” bigla nyang kinapa ang noo ko para malaman nya kung may sakit ba ako. Bigla kong tinggal ang kamay nya sa noo ko na kinabigla naman nya.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now