Chapter Thirteen

136 4 0
                                    

“Ikaw yung boyfriend ni Chris?” tanong ni Drey.

Boyfriend. Mukha ba syang boyfriend. -_-

Ngumiti muna sya bago sumagot, “Ah, hindi. Kaibigan lang ako. Classmate ako ni Arianne.” so, friend lang naman pala sya pero kung makapunta naman sya dito kala mo naman boyfriend sya.

Wait. Bakit nga ba kung makapag react ako ay parang sobrang big deal naman? Eh miski naman ako ay hindi nya boyfriend. I’m just a friend here. Wait. Hindi nga ako friend eh, enemies nga kami eh. Kanina lang ay hindi ko sya pinapansin. Napunta lang naman ako dito dahil hinila ako nila Terence. I helped her once. Ako na nga ang nag dala sakanya dito sa clinic.

After a minute ay nagising na si Chris. Ang swerte nya dahil hinintay pa talaga namin ang pag gising nya. Ang unang nag punta sa room nya ay si lover nya na mukha talagang concern na concern.

“Friend lang ba talaga yun? Parang boyfriend ah.” sabi ni Warren kay Arianne. See? Hindi lang naman ako ang nakakahalata eh.

“Ewan ko nga eh. Simula nung nakilala nya si Chris, Ganyan na sya.”

“Baka in love?” sabi ni Terence sabay pasok sa room ni Chris.

Pumasok na rin kami at nadatnan naming pina-painom ni boy lover si Chris nang tubig. Nagulat si Chris pag pasok namin.

“Terence? Warren? Drey? Arianne? Andito kayo?” tanong nya. Ayan na naman sya sa mga pa-cute nya.

“Oo naman! Friends tayo diba.” high energy na sabi ni Terence.

“Oh. Pati ikaw Kris? Andito Karin?” nagulat pa sya sa lagay na yan. Hindi nya lang alam na ako ang nag hatid sakanya dito sa clinic.

“Thanks to Kris. Because of him, nalaman naming nandito ka.” sabi ni Drey. Mas na-puzzled ang itsura ni Chris.

“He was the one that bring you here.” pagpapaliwanag naman ni Arianne.

“Talaga? Salamat Kris.” sabi nya na medyo nahihiya.

“So, tara na? Ihahatid ka na namin Chris.” sabi ni Warren habang nakatingin kay Chris. Nag nod naman sya.

“Gusto mo Chris ako na lang ang mag hahatid sayo?” sabi ni kupal.

Oo. Kupal sya. Bakit ba kasi sya nakiki-epal dito? eh hindi nga namin sya kakilala.

Lumapit ako kay Chris at sabay tingin sa lalaking yun, “Kami nga diba ang mag hahatid sakanya diba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Warren?” naasar kong sabi. Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Miski sila Drey ay nagulat.

“Uhm, okay lang naman na sumabay ako sayo. Kaso nauna kasi silang mag sabi.” sabi ni Chris. Naasar talaga ako! Okay lang na sumabay sakanya? Eh may sakit nga sya?!

“Kung sakanya mo ba talaga sumabay, eh di sumabay ka na.” sabi ko sbay kuha nang gamit ko sa upuan at lumabas na ako ng clinic.

Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi. Malamang nagulat na naman silang lahat. Sobrang kumulo lang talaga ang dugo ko at hindi na nakapag pigil.

Kung maka-asta naman kasi yung lalaking yun, kala mo naman kabarkada namin.

Nag lakad na lang ako pauwi tutal malapit naman. At saka, kung Sasabay naman ako sakanila, tatanungin lang nila ako about sa sinabi ko. Kung anu-ano na naman ang iisipin nila.

Sumunod na araw ay pumasok si Chris. Sa tingin ko ay okay na sya at wala na syang sakit. Pag tapos nang nangyari kahapon, parang mas naging close sya kela Terence, Drey at Warren. Napapaisip nga ako kung bakit wala syang masyadong close sa room namin na girls. Si Arianne nga lang ang lagi nyang kasama kapag wala kaming klase.

I Just Met A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon