Chapter Twenty One

127 3 0
                                    

My feelings for her have gotten deeper. Yun ang  na-realized ko sa mga oras na nakatitig ako sa mata niya. Yung magaganda nyang mata na sinasabi na ang lahat na hindi masabi ng kanyang bibig.

Halos hindi ako maka-galaw sa kinakatayuan ko. Para akong nag yelo. Nasabi ko naman sakanya ang gusto kong sabihin. Nasabi ko naman na ang nararamdaman ng puso ko. Pero bakit parang hindi tama?

Sa nakita kong reaction nya, nasasaktan lang ako.

“Bakit ka nag kagusto sakin? Wala namang rason para mag kagusto ka sakin.”

 

Kelangan ko ba ng rason para mag kagusto sa isang tao?

“Wala akong gusto kay Dwayne.”

 

Wala daw syang gusto kay Dwayne. Pero bakit parang hindi naniniwala ang puso ko?

“Wag ka mag kakagusto sakin Kris.”

 

Yun ang huli nyang sinabi sakin. At pag tapos nun umalis na sya sa harap ko.

Gusto ko syang habulin. Gusto kong itanong sakanya kung ano ang ibig sabihin nya. Gusto kong mag kaawa na bigyan nya ako ng pag kakataon. Pero hindi. Sinabi nya sakin ng harapan: “Wag ka mag kakagusto sakin Kris.”

 

Siguro mas naging maganda pa ang takbo ng pagkakaibigan namin kung hindi ko na lang sinabi. Hindi man lang ako sigurado kung ano ang magiging reaction nya oras na mag kita kami sa school. At magiging weird din para sa mga classmates namin kung mapansin nilang hindi kami nag papansinan. Ang hirap. Hindi na ako makapag isip ng maayos. Gusto ko syang puntahan ngayon at sabihing pinag ti-tripan ko lang sya nung mga oras na yun, pero baka mas lalo syang magalit sakin at tuluyan na akong hindi pansinin.

At kung sakaling gawin ko yun, hindi ba’t masyado na akong nagiging duwag?

Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganto. Parang habang tumatagal, mas nagiging duwag ako sa buhay. Dahil ba nasaktan ako dati? Dahil sa nangyari dati, tumatak na sa utak ko na hindi na ko maiinlove ulit. Pero ewan ko ba. Ang hirap talaga pigilan ang puso.

Nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Warren. Wala ako sa mood para makipag usap pero tama na rin siguro kung sasagutin ko ang tawag nya. Gusto ko rin ng kausap.

“Bakit?” tanong ko pag kasagot ko ng tawag nya.  

Siguro itatanong na naman nya kung bakit hindi na naman ako pumasok. Friday yung pageant. Friday yung araw kung saan ako nag tapat. At Tuesday na ngayon. Apat na araw na ang lumipas. Napaka-duwag ko talaga.

“San ka?” oh. Himala. Hindi ‘Bakit hindi ka na naman pumasok?’ ang tanong nya. Simula kasi ng Friday after ng pageant hindi na ako nag pakita sakanila. Isang tao lang naman ang ayaw kong Makita pero parang apektado ang lahat. Ayoko Makita lahat ng konektado sakanya.

“Sa bahay malamang.”

“Punta kami dyan.” Ano? Pupunta sila? Sinong sila? “Wait mo kami dyan.”

I Just Met A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon