Chapter Fourteen

161 3 6
                                    

Gusto ko si Chris? Possible ba yun? No. That’s not possible. I hate her. I don’t like her. Wala akong balak na magustuhan sya at hinding hindi yun mangyayari.

Ilang araw na ang nakakalipas at patuloy pa din ako sa pag iisip kung gusto ko nga ba talaga sya. Well, maganda sya, mabait, matalino, kaso… she’s annoying, madaldal sya, mahilig sya mag pa-cute, at nakakairita sya.

Ayoko syang nakakasama dahil naasar ako sa ugali nya. I don’t why. Basta Ayoko sakanya since nung araw na hindi sya pumayag na mag paligaw sakin. Ang choosy nya. Nag ka-boyfriend na ba sya? Tss. Ano bang pake ko?

Pero.. pag kasama ko naman sya, okay naman ako. Masaya ako though hindi kami masyado nag kakausap. Naiilang ako kapag nag kakatinginan kami sa mata na napaka unusual para sakin. Nahihiya ako kapag sinasabihan nya ako ng cute o pogi kahit na alam kong sinasabi din nya yun sa mga kaibigan ko. Naiilang ako kapag kasama ko sya. Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko kapag nasa tabi ko sya. At ang mas malala…. naasar ako kapag nakikipag usap sya kung kaninong lalaki.

Ang weird ko talaga! Hindi ko alam kung bakit ganto. Ayoko syang nasa tabi ko, pero ayaw ko rin naman sya sa tabi nang iba.

Hindi ko pa naman ‘to naranasan dati. Hindi ko alam kung bakit ko to nararanasan ngayon.

Sabi nila, in love daw ako. Yeah. LOVE? Hindi ko na nga alam kung ano ang pakiramdam nang in love. I’ve been hurt by someone I loved at dahil don Ayoko nang ma-in love or whatever they say.

Yun na lang ang sinasabi nila sakin ng mga kaibigan ko. Na gusto ko daw si Chris. But hindi naman ako nang a-agree sakanila. Kung sakaling ma-in love man ako, malalaman ko yun all by myself. Hindi ko na kakailanganin pa nang advice nang kung sino.

Napaisip ako. It’s been a long time since I felt the feeling of being in love. Masaya. Masarap. But just for a short time.

Kapag na-in love ka, you won’t care for what people say. Kaya nga sabi nila Love is blind kasi kahit misan nakikita mo na ang isang bagay, hindi kapa rin naniniwala. Baliw na talaga ang pag isip. Baliw na nga, tanga pa. Hindi naman ako naniniwala sa mga kasabihang katulad nun. I don’t care anyway.

I once loved a person. Sabi ng ate ko, puppy love lang daw yun kasi bata pa ako but all I know is that it was my first love. First love na naging hatred. Akala ko nga sya na eh. Gusto ko nun, papakalasan ko na sya kaso… napunta pa rin sya sa iba. Of course, napunta sya sa mas better. Pumili sya ng mas matanda sakanya, mas pogi, mas may alam sa buhay. At ako? Wala na akong magawa.

Sobrang sakit talaga nun. Ang tagal bago ako maka-move on. Hanggang ngayon nga ay naalala ko sya. But I’m not sure kung mahal ko pa sya o hindi na. I accepted everything kahit na sobrang sakit, cause she’s a childhood friend of mine.  I don’t want to ruin our friendship na nabuo simula pa nung mag bata pa kami.

Pero naisip ko, the moment na pumasok kami sa pagkakaron nang commitment, alam kong sira na talaga ang friendship namin na na-build namin. Ngayon nga ay wala na kaming communication. Nabalitaan ko, may asawa na sya. Too fast. And she’s too young for that.

Tumigil na ako sa pag-alala sa nakaraan. Yeah. Lahat nga pala ng yun ay nasa nakaraan na.

I turned on my laptop para naman malibang ako. I google something.

Signs that a person is in love.

Parang ikakahiya ko na lalaki ako dahil gumagawa ako ng tulad nito. If someone sees me, I would rather die. O kaya, baka mamatay ako sa hiya.

Nakita ko ang mga results. Signs na in love ang isang tao:

·         Pag lagi mo nasa isip ang taong iyon.

·         Pag lagi mo sya gusto makasama

·         Kinakabahan ka kapag nasa tabi mo sya

·         Masaya ka kapag nakikita mo sya

·         Lagi mong nababanggit ang pangalan nya

Hindi ko na tinuloy ang pag babasa. Parang hindi naman totoo lahat nang mga nakasulat dito. Well, this is internet. Kasi sino ay pwedeng mag post ng kung anu-ano. Kaya kahit hindi totoo ay pinaniniwalaan ng lahat.

“Busy looking for something?” bigla kong napatay ang laptop ko sa gulat. Hindi naman masama ang ginagawa ko. Hindi naman ako Nanunuod ng porn or what, pero ayokong may makakita sakin na nag se-search ako ng ganung bagay

.

Pag tingin ko sa likod ko ay nandun si Ate, nakatayo at Nakangiti sakin. Nakita nya ba ang ginagawa ko?

“Yeah. May research kasi kami.” I lie.

“I see. Eh bakit mo pinatay?” tanong nya. Ito ang ayaw ko kay ate, binubusisa pa nya ang mga bagay bagay.

“I’m done. Tska, sumakit na yung mata ko eh.” tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nag sinungaling na naman ako. Hindi ko naman hobby ang pag sisinungaling.

“Really? Hmm.” I’m wondering kung nakita nya ba talaga ako, “Bumaba ka na lang kung nagugutom ka na.” I nod.

Nung lumabas sya ng kwarto ko, parang nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako dun. Hindi ko na nga yun uulitin.

Next day.. walang pasok. Meron kaming gala. Sabi nila, sulitin na daw ang mga araw na natitira since graduating students na nga kami.

Pumayag naman dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Pag punta sa place ng pagkikitaan  namin ang akala ko ay apat lang kami. Pero, hindi ko ine-expect na may kasama pa pala kaming isa. Sino pa ba? E di si Christine.

Hindi ko alam kung sinasadya ba nila na isama si Chris sa mga lakad namin. Or wala lang, trip lang nila. Ngayon ko lang sya nakita na hindi nakasuot ng eyeglass nya. At bagay naman sakanya. Hindi rin nakakulot ang hair nya ngayon. Straight lang. At bagay din naman sakanya. At nakasuot sya ng make-up. ngayon ko lang nalaman na babae pala sya.

“Ang ganda mo ngayon.” sabi ni Drey sakanya. Tinitigan ko lang si Drey at nakita ko ang expression nya. Hindi usual para sakanya ang mag bigay ng compliment sa isang babae unless gusto nya ito.

Wait. Gusto nya si Chris?

Nahiya si Chris sa sinabing yun ni Drey at nag blush naman sya. Wag nyang sabihin na gusto din nya si Drey?

“Ang cheesy nyo! Tara na nga.” sabi ko. Gusto ko na umuwi.

“Bitter ka na naman. Ang arte mo kasi. Nagsisisi ka tuloy.” parang nag inet yung mukha ko sa sinabi ni Terence.

Nagsisisi? Saan naman? Dahil ba hindi ako nag effort sa panliligaw kay Chris? Eh kung ayaw nga nya eh, ano pa bang magagawa ko?

At isa pa, hindi ako bitter. Bakit ako mabi-bitter? Eh hindi ko naman sya gusto. Kahit kelan talaga si Terence, nakaka-bwisit lang.

Pumunta kami sa Enchanted Kingdom. Rides all you can nga daw. Pag pasok namin ay sobrang daming tao. Hindi ko nga alam kung makakasakay ba kami sa lahat ng rides.

“Wow!” dahil nga bago lang dito sa Pilipinas si Chris ay namamangha pa sya. Pero, mas maganda naman siguro ang mga amusement park sa Amerika diba?

“ngayon ka lang nakakita nyan?” sabi ko. Mukha kasi syang ignorante.

“Yung totoo?” she paused, “Oo.”

Natawa ako. First timer pala tong si Chris. Akala ko pa naman galing sya sa civilized country, yun pala galing sya ng bundok.

“Bakit ka tumatawa?” sabi nya at napatigil na lang ako sa pag tawa, “eh sa kung hindi ako pinapalabas ng bahay.” nung sinabi nya yun ay naging seryoso ang usapan namin.

Hindi pinapalabas ng bahay? Ano sya preso?

“huh?” I pretended na hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

“Lumalabas lang ako kapag papasok sa school. Hindi ko nga ka-close ang mga classmates ko. kaya parang wala ding sense ang pag aaral ko dun. Buti nga ngayon dito eh. Marami akong friends.”

Friends. so kaibigan pala talaga tingin nya samin. at sa tingin nya, having us, is more like a blessing.

I Just Met A GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora