Chapter Thirty

83 2 0
                                    

Short update lang po. Sorry na. May pasok pa ko ehh.

**

“Gumising ka na. Maaga pa pasok mo.” Naririnig ko na ang boses ni ate. Napadilat ako. Ugh. Pasukan na nga talaga ulit. Hindi ako makapaniwala. Ang bilis naman talaga ng araw. Parang kakabakasyon pa lang namin, tapos ngayon pasok na ulit. Balik na ulit sa pagiging senior. Sabagay hindi naman matagal ang isa’t kalahating linggo.

Bumangon na ko at nag handa. Ilang araw ko ding di nakita si Christine. Sabi nya kasi, mag-aaral daw sya. Kaya hinahayaan ko muna sya. Kaya nga miss na miss ko na sya eh. Sayang lang at hindi na sya nakakapunta sa bahay at sabi rin nya sakin, wag muna daw ako pumunta sa bahay nya. Ewan ko nga eh. Simula nung araw na dito sya sa bahay natulog, don na nag umpisa yung hindi nya pagpapakita sakin. Siguro naiilang sya? O kaya baka naman galit sya sakin dahil hindi ko sya ginising? Siguro naman hindi.

Pag tapos kong mag paalam kay ate ay pumunta na ko sa bahay ni Christine para sunduin sya. Ine-expect ko na naka-uniform na sya dahil madalas ay maaga syang pumapasok pero pag bukas nya ng gate nila ay hindi pa sya nakakapag handa. Hindi sya naka-uniform na ikinagulat ko.

“Oh, hindi ka papasok?” himbis na batiin ko sya ay iba tuloy ang naging reaction ko.

Hindi sya ngumiti sakin ngayon, di tulad ng usual nyang ginagawa. Napaisip tuloy ako. May sakit kaya sya? O may problema?

“Kris, paki-sabi na lang sa mag teachers natin na hindi ako makakapasok ngayon. Hindi ko sigurado kung kelan ako makakabalik.”

“Bakit?” hinihintay ko ang sagot nya pero hindi sya nag salita,”Bakit hindi ka papasok?”

“Hindi ko pwede sabihin eh. Basta ha. Sabihin mo na lang. Ingat ka sa pag pasok.” Bigla nyang sinara yung gate.

Parang bumigat yung loob ko. Bakit ganun? Parang ang cold nya sakin. Parang iniiwasan nya ako. Sana nga at may may sakit na lang sya para naman may rason kung bakit sya ganun sakin. Tska, bakit hindi nya pwede sabihin ang dahilan? Hanggang ngayon ba hindi pa rin nya ako pinag kakatiwalaan?

Pumasok na lang ako mag isa. Wala naman akong choice. Nawala ako sa mood dahil sa pakikitungo sakin ni Christine kanina. Hanggang sa klase namin, lutang ako.

“Naka-singhot ka ba ng katol? Bakit ganyan mukha mo?”

Ini-interrogate na naman nila ako.

“May problema yan sa lovelife.”

Tumingin ako sakanila. Tumigil sila sa pag sasalita. Tumingin ako kay Warren.

“Mag kaaway ba si Arianne at Christine?”

“Hindi. Bakit?”

Tumahimik na lang ulit ako. Kung hindi sila mag kaaway, eh bakit ganon si Christine? O baka naman ako ang problema nya? Kanina kasi nung kausap ko sya, iniiwas nya yung tingin nya sakin. Nasasaktan ako kapag naaalala ko.

“Bakit pala absent si pres? Nag away ba kayo?” tanong ni Drey.

“Ewan.” Yun lang ang masagot ko. Siguro nga, ako ang rason kung bakit hindi sya pumasok.

“Anong ewan?” nag tawanan sila pero ako seryoso lang. Hindi ko na nga alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko.

“Samahan nyo nga ako mamaya.” Sabi ko sakanila, “bisitahin natin si Christine.”

****

Sabi nila naninibago daw sila sakin dahil Christine na ang tawag ko kay Chris. Eh sa kung babae na ba talaga ang tingin ko sakanya?

“Bakit ba natin sya bibisitahin? Birthday nya? O may sakit sya? O baka naman nami-miss mo lang tapos sinama mo lang kami para hindi halata?”

“Tumahimik ka nga Terence.”

Nag doorbell na kami. Naka-ilang press din kami, pero ang tagal nya lumabas. Bago kami pumunta dito kela Christine, eh bumili muna kami ng pagkain tulad ng prutas. Baka kasi may sakit talaga sya. Bakit ba kasi ayaw pa nya sabihin? Napapaisip tuloy ako.

Maya maya ay bumukas na ang gate. Nagulat sya nung nakita nya kaming apat na nasa tapat ng bahay nila.

Sa pagkakataong ito, napangiti sya pag ka-bukas nya ng gate hindi katulad kanina na poker face. Naisip ko tuloy, ako ba talaga ang dahilan? :(

Pumasok kami sa loob at inabot sakanya ang prutas. Actually, yung tatlo hinintay nya muna na makapasok sa loob ng bahay tapos ako iniwan na nya kaya pumasok na lang ako mag isa. Ang sakit ah. Bakit kaya nya ako iniiwasan? Hindi man lang nya ako kinakausap.

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang masama sakanya. Okay pa nga kami nung isang araw diba. Sabi lang naman nya, mag-aaral sya kaya hindi ko sya iniistorbo. Hindi kaya—busted na ko? Tapos ayaw lang nya sabihin sakin kaya dinadaan na lang nya sa actions. Ngayon pa lang ipinaparamdam na nya sakin.

Nag uusap sila at ako para lang akong hangin sa loob ng bahay. Nag tatawanan sila at mukhang wala namang sakit si Christine. Okay na rin na wala syang sakit. Siguro ay tinatamad lang sya. Tama. Ipagpalagay na lang natin na ganun.

“Chris, uwi na kami. Pumasok ka na bukas ah.” Isa-isa na silang nag paalam na umuwi dahil pagabi na rin. Kanina pa pala kami dito. Actually, mga naka-suot pa nga kami ng uniform eh.

“Kris, uwi ka na ba? Uwi na kami ah.” Nag labasan na sila ng pinto. Kaming dalawa na lang ang naiwan. Ang ine-expect ko, mag sasalita na sya at kakausapin na nya ako pero tinalikuran lang nya ako at nag lakad. Ouch

“Wait lang.” Pinigilan ko sya. Gusto ko syang makausap.

Lumingon din naman sya agad, “Bakit hindi ka pa umuwi?”

“Gusto kita makausap.”

“Bukas na lang sa school. Papasok na ko bukas.” Ngumiti sakin pero alam kong peke lang yung ngiting yun.

“Bakit pa? Kung nandito na ko.” Seryoso ang tono ng pag sasalita ko. Nasasaktan ako ngayon. Bakit ba kasi hindi pa nya ako diretsuhin? Bakit kelangang iparamdam pa nya sakin to? Mas  lalo lang ako masasaktan.

“Ano bang gusto mong pag usapan?” naging seryoso na din ang mukha nya. Hindi naman siguro sya manhid para hindi maramdaman ang nararamdaman ko diba.

“Bakit ka ganyan sakin?”

Noong nakaraan lang, close na close pa kami diba, pero ngayon.. iniiwasan na nya ako at ramdam na ramdam ko yun.

“Anong ganyan?” ang galing nyang mag panggap na parang wala lang ang lahat.

“Bakit mo ko iniiwasan?”

Tumawa sya, “Hindi naman kita iniiwasan ah.”

“Don’t fool me. You’re obviously avoiding me.”

“I’m not.”

“Ano ba nagawa ko sayo? May mali ba? Sabihin mo naman sakin oh. Para naman hindi ako nahihirapan sa kaiisip sayo.” Gusto kong umiyak ngayon pero ayokong matawag na mahina. Ayokong umiyak sa harap nya.

“Sinabi ko bang isipin mo ko?” nagulat ako sa tono ng pag sasalita nya. Para syang galit. “Sinabi ko bang mahalin mo ko? Wala diba. Kaya wag mo sakin isumbat na nahihirapan ka.” Parang nawasak ang puso ko sa sinabi nya.

“Hindi. Hindi kita sinusumbatan.” Mag papaliwanag pa lang sana ako pero...

“Umalis ka na. Gusto ko na mag pahinga.” Umakyat na sya sa kawrto nya at iniwan ako.

Ito na talaga yun. Yung kinakatakutan kong pagtatapos. Hindi talaga nya ko gusto. Siguro sinubukan nya, pero hindi talaga. Hindi nya talaga akong magagawang mahalin. Ang sakit. Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ang hina ko. Ang hina-hina ko.

Huminga ako ng malalim, “Kung yan ang gusto mo.” Umalis na ko katulad ng sinabi nya sakin kanina.

Siguro, pati sa buhay nya, gusto nya na rin akong umalis. Sana pala una pa lang hindi na ko umasa. Ikaw naman kasi Kris, umasa ka pa sa wala.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now