Chapter Twenty Six

105 3 2
                                    

Hinalikan nya ako. Hahahahahhaha Heaven! Muntik na kong kiligin. Natulog ako ng maimbing, yung bang may ngiti sa labi. Iniisip ko kung ano ang nasa isip nya pag tapos nya akong halikan. Kinilig din kaya sya? O baka naman nainis sya sa sarili nya at hindi nya maisip kung bakit nya yun ginawa. Bahala sya. Wala ng bawian. Ginawa na nya ang dapat nyang gawin.

“Ate, good morning!” binati ko sya tapos umalis na ko. Ang weird ko siguro para sa ate ko pero wala na sya don. Masaya ako ngayon. Ang gay ko ba? Sorry ah.

Kumanta kanta pa ko sa daan habang nag lalakad. Siguro kung may nakakakita sakin baka mapag tawanan na ako. Tapos habang nag lalakad, nag fa-flashback yung nangyari kagabi hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Feeling inspired at in love ako. Feeling ko ubos na ang problema ng mundo.

Pumasok na ako. At onti pa lang ang estudyante. Habang umaakyat ako ng hagdan, pakiramdam ko may background music ako tapos may mga tumutubong heart at bulaklak sa paligid habang papalit ako ng papalapit sa room namin. Hahahahaha. Ang gay ko talaga! Shet

Masaya lang talaga ako. Muntik na nga akong hindi mag hilamos kagabi pero hindi ko yun ginawa dahil maingat ako sa mukha ko. Kaya talagang nag pe-play ng nag pe-play yung nangyari kagabi. Best feeling ever at sa tingin ko hindi ko na to makakalimutan.

Pag dating ko sa room ay onti pa lang sila. Pag tingin ko sa wrist watch ko si 7 pa lang. Grabe, napaaga ako. Ibig sabihin, 6 ako nagising? Himala.

 Lumapit ako kay Warren na nagi-isang lalaki sa kwarto.

“Wala pa sila Terence at Drey?” tanong ko sakanya. Mukhang inaantok pa sya dahil nakatungo lang sya na hindi naman nya usual na ginagawa.

“Wala e. Absent si Terence ngayon. Tapos si Drey naman, male-late daw.” Sabi nya. Absent si Terence?

“Bakit sya a-absent?” nagtataka ako. Wala naman syang sakit kahapon, “Tska si Drey? Bakit sya male-late?” masyado akong nacu-curious. Parang walang gana ang mga tao ngayon ah. Ako lang ata ang Masaya.

“Ewan ko don. Tinatamad ata.”

“Aba. Hindi naman pwedeng mag absent ng ganun-ganun lang ah?” loko talaga yung mga lalaking yun, “Tawagan mo nga sila.”

“Ikaw na. Inaantok pa ko.” Oo nga. Mukha ngang inaantok pa sya. Kaya lumabas ako ng room at kinuha ang phone ko para i-dial sila pero hindi ko sila ma-contact. Ano kayang nangyari sa mga yun?

Pumasok ulit ako sa room para mag tanong ulit kay Warren, “Eh si Christine, nakita mo ba?” Simula ngayong araw na to, Christine na ang itatawag ko sakanya, at hindi na Chris.

Inangat na nya ang ulo nya, “Bakit mo tinatanong? Akala ko ba mag-kaaway kayo?”

“Eh nami-miss ko na sya e.” Muntik na akong matawa sa sinabi ko, “Asan nga?”

“Nasa cr ata.” Tumayo na ako, “Teka pupuntahan mo sya?” nag nod ako. “Ayos ka lang? Mag hintay ka na lang. Ang atat mo naman masyado.” Natawa ako sa sinabi nya. Ang atat ko nga. Alangan namang sugurin ko sya sa loob ng CR diba?

Kaya ito ako ngayon, nag hihintay. Patience is a virtue. Hingang malalim. Gusto ko na sya Makita. Asan na ba sya? Medyo matagal sya ah.

“Students from fourth year section A, please proceed to the gym.” Teka. Kilala ko yung boses na yun ah? Kay Terence yun ah! Akala ko ba absent sya?

Tska, paano kami mag po-proceed sa gym, eh wala pa yung iba?

“Wait lang. Mamaya-maya na tayo bumaba. Hintayin muna natin yung iba.” Sabi ko sakanila.

“Hayaan mo na yung iba. Masyado ka namang caring na president.” Nagmamadaling bumaba si Warren kasama yung iba kong classmate. Nagtataka ako. Ano ba meron? Mamaya pa naman yung P.E namin ah?

“Ano ba meron?” tanong ko. Tulog ata ako sa klase kahapon kaya wala akong alam sa announcements.

“Aba ewan ko.” Ang plain lang ng sagot nya kaya nag hintay na lang ako na makarating kami sa Gym.

Pag dating namin sa gym ay nagulat na lang ako sa nangyari.

“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!”

Nakita ko ang malaking banner na sobrang colourful na may nakalagay na HAPPY BIRTHDAY KRISTOPHER JAMES DIAZ. WE LOVE YOU! From, IV-A

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Nahiya ako sa thought na ako ang bida ng celebration na to. Tumingin ako sa gilid ko sabay batok kay Warren na pangiti ngiti lang. Sila ang may pakana nito. Pero seryoso, birthday kop ala ngayon.

Lumapit ako sakanila. Andon si Terence, Drey at Christine. Niloko nila ako. Huhuhuhu. They deceived me! Lol. I gave them a sweet smile, “I didn’t know it was my birthday. Sorry.” Sabi ko sabay tumawa sila.

Kahit lalaki ako, may puso naman ako. Na-to-touch din at natutuwa. Hindi ko alam kung paano sila humingi ng permission na gawin to at dito pa talaga sa Gym, eh ang higpit kaya ng school namin.

Wala akong masabi. Gusto ko silang pasalamatan. At halos mapunit na nga ang labi ko sa kangingiti. Ngayon ko lang naramdaman na kasama pala talaga ako sa year na to. Blessed ako dahil sila ang mga naging classmates ko.

“What can you say with our surprise?” sabi ni Terence sabay akbay sakin. Syempre, natuwa ako. Iparamdam ba naman sayo ng mga classmate mo na special ka. Aba, sino bang hindi matutuwa diba?

“Buti pa kayo alam nyo na birthday ko. Ako hindi.”

So, kaya pala wala yung mga mokong classmate sa room kanina, e dahil nag pe-prepare sila sila sa gym. At hindi lang yun, may mga regalo din sila sakin. Ang sosyal ng mga classmate ko. Ang galing nilang mag tago, diba. Hindi ko talaga napansin yun.

Umakyat na kami sa room. Syempre, bawal pa kami kumain kaya tinabi na lang nila yung mga pagkain. Binati ako ng mga teacher kanina. Si Christine, nasa tabi ko pero wala man lang yung single greet na, “Happy birthday.” Kaya hindi pa kumpleto ang araw ko.

Ni hindi man lang sya tumitingin sakin, dahil ba sa kiss nya? Hihihihi

Sa recess, habang nag lalakad ako sa corridor ay ang daming bumabati sakin. Nahihiya ako kasi pakiramdam ko ang sikat ko ngayong araw. Kahit yung mga hindi ko kilala ay nginingitian ako kaya ngumingiti na lang ako sakanila.

Nakakapagod din pa lang mag birthday no lalo na yung paulit ulit kang mag te-thank you sakanila pero kahit na ganun, kulang pa din yung THANK YOU sa pinaramdam nila sakin ngayong araw.

Sa last subject namin, habang nag le-lesson yung teacher namin biglang may inabot si Christine na pink na papel sakin.

Happy Birthday Kris. I hope you’re happy. :)

And, pwede ba kita makausap ulit mamaya? And promise, hindi na kita aawayin.

-Chris

Of course I’m happy. Kahit na sa letter lang nya ako binati, special pa din to. Ngayon pa lang sinisigurado ko na tatagal ng 20 years pataas tong letter nya sakin.

Nag reply ako sakanya gamit ibang papel.

Thanks!!!

Alright. Later? :p

Gusto ko sana sabihin, Thank you! I love you! Pero hindi naman pwede diba. Kaya thanks na lang.

Yesssss. Mag u-usap ulit kami mamaya. At ngayon pa lang sinasabi ko na sainyo, bati na ulit kami. You know friends.

Thank you mama at papa cause you made this day possible.

--October 3, 2012

 -----------------------------------------

Sorry short. Comment naman po kayo. Hindi ba masyadong gay si Kris? Kaloka. Sorry huh. Gay kasi ako. 

I Just Met A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon