Chapter Thirty Five

113 5 1
                                    

I texted her for the 16th time ngayong araw. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakanya pero kanina pa niya ako hindi nirereplyan. Nag online na rin ako para tignan kung nag message ba sya sakin pero wala naman akong na-receive kahit isa.

Limang araw na simula nung umalis sya papuntang America. Ang totoo, hindi pa naman matagal ang five days. Pero nami-miss ko na talaga si Chris. Gustong gusto ko na sya mayakap. Gusto ko na rin marinig ang boses niya. Simula kasi nung umalis sya, hindi na kami nag kausap.

She told me that she's always busy there having good time with her family pero sa text lang niya yun sakin sinasabi.

Nung isang araw sabi niya sakin ay mag install daw ako sa phone ko ng Kakao Talk or Line para hindi kami magastos sa load. Ginawa ko naman yung sinabi niya. Na-add ko na rin sya kaso hindi pa kami nag kakatext simula kahapon ng umaga.

Sana man lang ay binati niya ako. Siguro ay masaya na ako don, kaso kahit isa man lang text ay wala akong nareceive galing sakanya.

Today is Christmas. 7 am pa lang naman kaya hindi pa ko bumabangon sa higaan ko. Ang totoo niyan ay kanina pa akong  3 am gising. Naantok ako pero hindi ko talaga makayanang matulog. Yung isip ko kasi, masyadong iniisip si Christine.

Nag celebrate naman kami ni Ate kaninang 12. Onting handa lang dahil kami lang namang dalawa na hindi naman masyadong malungkot dahil nakasanayan ko na. Meron din kaming exchange gifts ni Ate. May na-receive akong bagong phone kay Ate. Ewan ko nga kung magagamit ko ba yun dahil maayos pa naman ang phone ko. At binigyan ko sya ng boyfriend- pero joke lang. Binigyan ko sya ng collection ng books ni John Green. Favorite kasi niya yun eh, pero ayaw niyang bumili ng book kaya yun na lang ang regalo ko sakanya.

Oo na. Mas mahal yung gift niya. Kaya tuwang tuwa ako.

Tapos may mga pumunta din sa bahay ng friends ni ate. Dumaan si Drey at Warren pero saglit lang kaya bumalik na lang ako sa higaan ko. Hindi talaga maalis sa isip ko si Chris.

Ito sana ang first Christmas namin together  kaso wala naman sya pero okay lang dahil alam kong masaya ssya dahil kasama niya ngayon family niya. At saka, dati pa niya sinasabi sakin na miss na miss na talaga niya ang family niya don. Kaya siguro, bigyan ko muna sya ng time sa family niya.

"Kris!" narinig ko ang sigaw ni ate kahit napakalas na ng volume ng music sa tenga ko. "Kris!"

Napilitan tuloy akong tumayo at pumunta sa kwarto niya, "Bakit?"

Medyo naramdaman kong sumakit ang mata ko. Wala pa kasi akong tulog simula kanina.

"Mag bihis ka. Attend tayo ng mass."

Dahil sinabi niya ay ginawa ko naman. Kaya nag bihis ako dahil pupunta daw kami ng church at mag ma-mall daw kami. Wala naman akong gagawin kaya sasasama na lang ako kay ate kahit alam kong sya lang ang mag eenjoy sa gagawin niya.

xxxxx

After mass ay dumiretso kami sa mall at kumain ng breakfast. Breakfast- kasi 9 pa lang? Well.

Umorder si ate ng food. I checked my phone, hoping na sana kahit isang text man ay may nareceive man lang ako kay Chris.

Nakita kong may isang text akong na-receive. I checked an realized na si Arianne lang pala.

Merry Christmas kuya. :)

Na-disappoint ako dahil hindi galing sa taong ine-expect ko yung text but still, I managed to reply to her. I greeted her like what she did.

Nag reply ulit sya. Pag check ko ay sa ibang tao pala galing ang text na nareceive ko.

Merry Christmas baby ko! I love you! Sorry if I wasn't able to text you earlier. I'm too busy here baby. But I promise that after Christmas, makakapag usap na tayo. Don't be maaaaad please. Love you. <3

Nag text sya sakin pero bakit parang hindi ako masaya? Mas lalo ko syang na-miss at mas lalo ko syang gustong yakapin. I imagined her talking to her like that. I imagined her na nilalambing niya ako. This makes me feel sick. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi at yakapin ang unan ko.

"Oh, itsura mo dyan?" sabi ni ate at nakita kong hawak hawak niya na yung pagkain.

"Wala. Tagal mo kasi. Gutom na ko."

"Opo kuya." tumawa sya at umupo na.

xxxxx

"Can you wait here for me? Or you'll go with me inside?" naiirita na ko sa ate ko. Gusto ko na umuwi eh. Ang sakit na ng paanan ko tapos sya energetic pa din. Kanina pa kami paikot ikot dito sa SM Megamall. Ang laki laki kaya nito.

Lahat na lang ata nang nadaanan namin ay pinapasukan niya tapos tatanungin niya ko ng same question niya kanina.

"Hindi. Dito na lang ako." at paulit ulit ko ding sagot. Hindi ko nga alam kung napapansin ba nyang nabubugnot na ko sa ginagawa niya.

Sabi ko na nga ba't sya lang talaga ang mag eenjoy dito eh. Hindi man lang ako tinatanong kung nagugutom na ba ako. Eh breakfast pa yung huling kain namin.

Nag hintay lang ako sa labas ng boutique na pinasukan niya. I need to be patient. Tutal, she gave me new phone naman.

Ito siguro ang kapalit nun. Ang pahirapan ako.

"Kris!!!" I saw girl running towards me. "Merry Christmas!"

Natulala ako sa nakita ko. Si Cassie. Bakit sya andito? Sinusundan pa rin niya ako.

"Oh." ngumiti ako sakanya, "Bakit ka nandito?"

"My mom and I went shopping." buti na ;ang at hindi dahil sa akala ko.

"Merry Christmas din! Musta?" sabi ko sakanya sounding casual.

"Okay naman." she smiled to me na para bang we've been friends for years, "Ikaw? Sino pala kamusta mo?"

"My sister." sabay turo sa loob ng boutique.

"I see." nawalan kami ng sasabihin ng ilang seconds, "You see, I need to go. My mom's waiting for me."

"Okay." I told her. Nag smile sya sakin for the last time at umalis na.

"Oh, you're smiling." I heard ate's voice. Hindi ko narealize na nasa likod ko lang pala sya.

"No, I'm not."

"Yeah, I see you." she's smiling like crazy, "Is it because of that girl?"

"No way." natatawa kong sabi. "I still have Chris." yumuko ako because of what I've said.

"But why isn't she here?" natunugan ko ang ate ko na parang may pagka-sarcastic yung tanong niya.

"She's in America, with her family." I told her para naman alam niya at para hindi niya ako inaasar.

"Okay." yun lang ang sinabi niya at bigla syang tumawa.

Sorry may pagka-baliw ate ko.

Pagkauwi ng bahay ay nag logged in agad ako sa facebook account ko. Sya agad yung unang bumungad sakin. She uploaded of her family, including herself. Natuwa ako sa ibang pictures, pero sa iba, not really. Hindi kasi ako familiar sa family members nila. Yung iba ay mga americans, siguro friend nila.

Out of 58 pictures, two pictures ang nag stood out sakin. Yung isa, tatlo sila sa picture with Christina on Chris' said and yung isa- dalawa lang sila- Christine with another guy whom I never know.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Just Met A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon