Chapter Sixteen

138 3 0
                                    

Saturday’s for me is good, Sunday’s much better, and I think Monday will also be the same. If everyday’s like this I think I’ll live a happy life. I’m on my way to school para pumasok, of course. I’m inspired these days at mas gusto ko ang mag lakad papuntang school.

Ang ganda ng tulog ko at ang ganda ng gising ko. Parang gusto ko na nga ipag sigawan sa buong mundo ang mga nangyari. Kulang na lang ay i-post ko sa Facebook, Twitter, Tumblr at kung saan-saan pang social networks ang nararamdaman ko pero hindi naman ako ganun ka-bulgar so I stay quiet.

I don’t know if she feels the way pero sana nagustuhan nya ang ginawa ko sakanya. Siguro, yung ngiti lang nya na pinapakita nya sakin ay sapat na.

“Good morning!” may nag salita galing sa left side ko at nung napatingin ako si Chris. Naka-ngiti sya. Feeling ko maganda din ang mood nya.

“Good morning.” Sabi ko din sakanya. Ang ganda talaga ng mood ko. Buti na lang at dumating sya para mas pasayahin pa ko.

“Ang aga mo ngayon. Anong meron? And parang nasa good mood ka.” Masyado nya akong in-interrogate. Masyado ata akong obvious.

“Masaya ako.”

“Bakit?” kailangan pa bang itanong yan?

“Basta lang. Masaya lang ako. Sana nga mag tuloy tuloy na to e.” Feeling ko an gang bait ko na masyado kay Chris. Napapansin nya kaya yun? Sana naman wag. Baka isipin nya, ang weird ko.

“Syempre naman mag tutuloy tuloy yan!” naka-smile na naman sya. Ang ganda talaga ng smile nya, “Basta ba nasa tabi mo ko.” ang tagal bago mag process nung sinabi nya. Hindi ko agad na-gets kaya napahinto ako sa paglalakad nang bigla syang tumakbo, “Bilisan mo! Baka ma-late tayo!”

‘Syempre naman mag tutuloy tuloy yan. Basta ba nasa tabi mo ko.’  

May meaning ba to sakanya? O ako lang ang nag i-isip ng ganun?

Pag dating namin sa school, medyo parating palang ang mga students. Wala pang masyadong tao at wala pa rin sila Terence kaya kami lang ang mag kasama na umakyat ni Chris.

“Hi bestep!” si Dwayne lang naman ang dumungaw samin. Ang laki ng ngiti nya. Mukha syang aso. At ano ang sinabi nya? Bestep? Nag bago na pala ng pangalan si Chris?

Tinignan ko ang reaction ni Chris nung tinawag sya ni Dwayne at mukha syang nagulat, “oh, hello.” At mukha syang nahihiya. Dahil ba nandito ako sa tabi nya ngayon?

“Kris, sabay kayong pumasok?” tanong ni lalaki. Hindi masyado obvious na sabay kami kaya nga kami mag kasama kami ngayon eh.

“Ah, oo.”

Ngumiti sya sakin at tumingin kay Chris, “Bestep, pwede ba tayong mag library mamaya? Mag papaturo kasi sana ako.”

“Ah, osi--”

“Una na ko.” At umalis na ko. Papayag na naman sya na makasama nya yun. Tss. Bahala sya.

“Wait lang! Hintayin mo ko!” sigaw ni babae pero hindi ako lumingon. Tutal sasama sya don sa baklang yun. “Bakit naman umalis ka agad?” sabi nya sakin. Binilisan ko na nga mag lakad, pero naabutan pa din nya ako.

“Hindi naman ako kasama sa usapan nyo so bakit ako makikinig?” patuloy lang ako sa paglalakad.

“Grabe ka naman.” At sya patuloy pa din sa pag sunod sakin. Ah, hindi nga pala nya ako sinusundan. Iisang kwarto lang pala ang pupuntahan namin.

Pag dating namin sa classroom, wala na yung ngiti na meron ako nung lumabas ako ng bahay. Nawala yung saya ko nung nakita ko yung lalaking yun. Tss. Bakit naman kasi kelangan nya makipag usap kay Chris? Mag ano ba sila? Ano bang meron sila nung lalaking yun? Friends? Tss, kalokohan. Eh mukhang may gusto yun kay Chris eh.

I Just Met A GirlWhere stories live. Discover now