"Sorry hindi yun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang na makasigurado ka sa nararamdaman mo. I don't want you to regret something. Ken is a good man kahit laging sinasabi ni Troy na loko-loko yun ay nakakasigurado kong seryoso na siya sayo."

"Natatakot kasi ako Sam. Ayoko ng magkamali pa ulit. Ayoko ng masaktan." Nasapo ko ang aking mukha hindi para umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tinapik niya ang aking balikat. "Don't hold back Mandy. Hwag kang matakot na mahalin si Ken ng higit pa kay Chrome. Sa nakikita ko sayo, mahal mo nga si Ken pero natatakot kang tuluyang ibigay yun sakanya dahil ayaw mo ng masaktan pa." huminga siya ng malalim.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Yes, I'm afraid to love him that way. "You're being unfair. Sabi mo nga, in your relationship siya na lang lagi ang nagpapakita ng effort. Hwag ganun Mandy. It takes 2 to tango and kung siya lang lagi ang kikilos just like a dance may makakatapak sa isa at paniguradong may masasaktan."

Sa sitwasyon namin ni Ken pareho kaming nasasaktan.

"Do your share of loving Ken, Mandy. He deserves so much from you."

* * * * * 

KINABUKASAN

Hinintay kong matapos si Ken sa trabaho niya. Kanina ko pa siya sinusubukan kausapin pero andami niyang palusot sakin. Kesyo may trabaho pa siyang ginagawa, may kliyenteng naghihintay at ang pinakanasaktan akong dahilan niya ay yung wala siya sa mood para kausapin ako.

The word distant is an understatement. But I'm willing to wait for him to forgive me. Sabi nga ni Sam, I should do my own fair share of waiting and efforts for our relationship to work.

Dati-rati'y siya ang nag-aaya sakin na lumabas kaya ngayon susubukan ko naman na ako ang mag-initiate ng move para sa aming dalawa.

Naalala ko ang laging sinasabi sakin ni Kuya, ang mga lalaki daw pag nagalit talagang galit. Hindi mo mapipilit na kausapin ka pag-ayaw talaga. Kumbaga sa bato ay nakikipagmatigasan sila. Pero isa raw sa kahinaan nila ay ang paglalambing ng mga babae. Hindi lang naman daw kasi mga babae ang may karapatang maghanap ng pag-aalaga. Sila din daw.

Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga ngayon basta isa lang ang alam ko. Gusto ko lang bumalik na kami sa dati.

It's almost 5:30. Malapit na sigurong bumalik si Ken sa opisina. Bahagya kong sinuklay ang buhok ko at naglagay ng light make-up.

Agad ko siyang sinalubong ng makapasok siya pero hindi pala siya nag-iisa. Kasama niya sina Andrei, Zeke, at Rafael. Naputol tuloy ang sasabihin ko. Binati nila ako pero hindi ang lalaking inaasahan kong babati sakin. Nagdiretso lang siya sa lamesa niya.

 Nakaramdam ako ng tapik sa balikat, "Long time no see Mandy. Hindi ka na nagagawi sa bar." Ani ni Andrei.

"Oo nga, we're there last night. Sabi ni Ken ayaw mo daw sumama." Segunda ni Zeke. Napalabi ako. Hindi ko nga alam na lumabas pala sila kagabi at wala akong idea sa sinasabi nila.

"Ah oo medyo napagod kasi ako." Palusot ko habang nakatingin kay Ken na patay malisya sa nangyayari.

"But are you free tonight?"

Umiling ako, "Next time na lang pag hindi na maraming trabaho." Tumawa siya at hinarap si Ken. "You're being abused by that monster." Ngunit hindi siya pinansin ni Ken na abala sa pagkalikot ng computer niya.

Tinantanan na nila ako at nagkanya-kaniya na silang kwentuhan sa couch. Si Zeke yung brandy ang pinagkaabalahan habang si Rafael at Andrei nagpapaligsahan na sa installed dart board.

Somebody To Call Mine (Completed)Where stories live. Discover now