Chapter 30

10.1K 171 4
                                    

Yza's POV

Bumisita na naman si Scott sa bahay pero ayaw na niyang pumasok sa loob. Kaya kinakausap ko na lang siya sa labas ng gate.

"Sigurado kang ayaw mong pumasok sa loob?"

"Yeah, hindi rin naman ako tatagal. Gusto ko lang kita i-congratulate dahil balita ko nanganak ka na. Congrats, Yza for having a twins." Tinapik niya ako sa braso.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanya. Pero narinig ko ang paglunok niya at mukhang namumulta. May nakikita ba siyang hindi ko nakikita? "Ayos ka lang ba?"

"Huh? O-Oo naman. Sige, alis na ako. Baka kasi kainin pa ako ng buhay ng asawa mo." Naglakad na siya palayo sa bahay. Pero anong ibig niyang sabihin doon?

Sinarado ko na yung gate bago tumalikod. Nakita ko si Greg nakatalikod sa akin.

"Greg, magusap nga tayo." Pumasok na ako sa loob ng bahay saktong humarap sa akin. Kumamot rin siya ng ulo.

"What now, hon? Kung tungkol sa kaibigan mo wala akong ginagawa sa kanya."

"Kilala kita, mr. Sandoval."

"What? Wala naman talaga akong ginagawa sa kanya. Nanahimik lang ako rito." I'm not convince sa sinasabi niya. Alam ko hanggang ngayon nagseselos pa rin siya kay Scott.

"Nagseselos ka pa rin ba kay Scott hanggang ngayon?"

"Huh? H-Hindi na. Alam ko naman ako ang mahal mo kaya hindi na ako--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya. Hindi talaga siya nagsasabi ng totoo. I know. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.

"Greg, alam ko kung nagsasabi ka sa akin ng totoo o hindi."

"Huh?" Tumingin sa akin bigla. Kunot noo niya. Hinawakan ko ang kabilaang pisngi niya.

"Sinabi sa akin ni Derek na kung hindi ka makatingin ng deretso sa kausap mo hindi ka nagsasabi ng totoo."

"Sinabi niya yun?" Tumango ako. "Okay, okay. You got me there. Hindi ko naman maiiwasan magselos, eh."

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo wala kang ikaselos."

"Susubukan ko ang hindi magselos sa tuwing nandito siya."

"Thank you, Greg." Ngumiti ako sa kanya. "Kaya ikaw ang lalaking minahal ko."

"Heh, ako lang ba? Paano ba yan may kahati na ako dahil nandito na si Gavin."

Narinig ko ang pagiyak ng kambal sa kwarto nila.

"Umiiyak na ang kambal. Ikaw kasi." Umakyat na ako sa taas patungo sa kwarto nila.

"Anong ako? Wala naman akong ginawa." Narinig ko ang sabi ni Greg.

Pumasok na ako sa kwarto. Nakita ko ang umiyak ay si Gavin.

"Shh.. Stop crying."

"Tulungan na kita sa pagalaga sa kanila." Rinig kong sambit ni Greg. Lumapit na siya sa crib ni Star para kunin si Star. "Hon."

"Bakit?" Tumingin ako kay Greg habang karga niya si Star.

"I think Star has a fever. Ang init niya."

"Huh?" Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni Greg.

"Wag mo palapitin si Gavin. Baka mahawa rin siya."

"Ano ang gagawin natin?"

"Dadalhin ko sa clinic si Star para pacheck up."

-------

"Greg, musta ang anak natin?" Nagaalala ako habang kausap sa telepono si Greg.

"Star is fine now, hon. Ang sabi ng doctor mabuti naidala kaagad kung hindi baka maconfined siya."

"Ano ang dapat gawin?"

"May niresentang gamot kaya bumili na rin ako kanina."

"Pauwi ka na ba?"

"Yes, pero naipit lang sa traffic."

"Okay, ingat." Binaba ko na ang tawag. Mabuti na lang sarap ang tulog ni Gavin.

Mga isang oras na siguro noong nakarinig ako ng busina. Binuksan ko ang gate para papasukin ang kotse. Bumaba na sa driver's seat si Greg at binuksan niya ang backseat para kunin si Star.

"Bumaba na rin ang lagnat niya pero ang sabi kailangan pa rin obserban si Star kung bumabalik."

Pumasok na siya sa loob at dumeretso na rin sa itaas para ilagay na si Star sa crib niya.

"Hon, don't cry." Sabi niya. Tumulo na pala ang luha ko na kanina pang gusto kumawala. Pinunasan niya ang luha ko sa mata. "It's not your fault."

"Natatakot lang ako baka ano mangyari sa anak natin."

"Walang mangyayaring masama. Nandito ako para tulungan kita sa pagalaga sa kanila." Tumango ako. Niyakap na rin ako ni Greg.

Ang swerte ko talaga dahil naging asawa ko itong si Greg. Dati pinangarap ko lang siya. Kahit alam kong malabo magkakagusto siya sa katulad ko. Ang makasama at makita lang siya ay masaya na ako pero noong pinansin niya ako at gusto niya ako makasama ay nagbago na ang lahat. Lalo na yung inamin niya sa akin na hindi niya kayang mawala ako. Yun ang araw na isa sa mga memorable sa akin hindi dahil hindi ko yun inaasahan.

"Greg, tanda mo pa yung umamin kang mahal mo ko?"

"Yes, of course. Inamin kong in love ako sayo noong araw na kasal ni Zach."

"Ang huling tanda ko sa condo ka nakatira." Tumingin ako sa kanya kaya napatingin na rin siya sa akin.

"Lumipat na ako ng matitirahan simula noong umalis ka. Siguro maraming memories nangyari sa condo pero marami rin ang malungkot. Nakakalungkot noong umalis ka."

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Naisip ko rin na talaga umalis sa condo pero wala pa akong nakikitang magandang bahay. Humingi pa ako ng tulong kay Hunter. Siya pa nga nakakita ng bahay na ito. Hindi ganoon kalaki at hindi rin maliit. Tama lang sa magiging pamilya ko ang laki."

"Kung si Zachary ay isang CEO ng kumpanya nila, sigurado akong tungkol sa busines ang tinapos niya. Tapos ikaw naman ay isang chef. Ano naman kinuha ng dalawa niyong kaibigan?"

"Si Dex ay nakapagtapos ng law pero hindi naman siya pumapasok sa trabaho ng ama niya. Tapos si Hunter ay isang engineer. Sina Zach at Hunter lang sumunod sa tinapos nilang kurso."

"Ganoon pala."

"So, um.. Pagusapan pala natin ang kasal."

"Kasal?"

Nangako pala sa akin si Greg na papakasalan niya ulit ako pero sa simabahan na. Pinakasalan niya ako kasi buntis ako sa kambal. Tapos noong birthday ko nagpropose siya sa akin.

"Yes, our wedding. Tutuparin natin ang dream wedding mo." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Kahit hindi na. Ayos lang sa akin, Greg. Masaya na ako makasaya ko kayong tatlo."

"Hindi pwede, Yza. Magtatampo ang dalawa kong kaibigan." Tumawa ako sa sagot niya. Pati rin pala si Alex magtatampo sa akin.

"Magtatampo rin pala sa akin si Alex kaya sige na nga. Gawin na natin ang kasal sa simbahan."

"Kailan mo gusto?"

"Kung gusto mo bukas na agad, eh."

"Bukas?! Hindi kaya at wala nang oras kausapin ang wedding planner." May pagaalala sa mukha niya. Gusto ko tumawa. "Tatapusin natin ang lahat within a week. Kaya naman siguro yun."

One week agad? Bilis pero ayos na siguro yun.

~~~~~

Next chapter is special chapter.

Sa tatlong series hanggang 30 lang ang chapter + special and epilogue kaya 32 all.

Don't forget to support My Hot Husband Is A Mafia

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now