Chapter 29

9K 175 3
                                    

Yza's POV

Palagi ko nakikita si Greg nasa kwarto ng kambal. Alam kong masaya ako sa pagdating nila. Lumapit ako sa kanya sabay yakap mula sa likod.

"You're up. Sorry kung hindi na kita ginising. Alam kong pagod ka sa pagalaga sa kambal kaya ako na muna ang magaalalaga sa kanila."

"Hindi ka ba busy sa cafe?"

"Derek can handle the cafe. Ang gusto ko lang ang tulungan kitang alagaan ang kambal."

"Thank you, Greg." Ngumiti ako sa asawa ko. Ang sweet talaga ni Greg.

"Tulog pa naman ang mga kambal kaya kain na muna tayo." Tumango ako. Nagugutom na rin kasi ako.

Pumunta na kami sa kusina at nagluluto nang agahan si Greg.

"Greg, bakit hindi ka sa isang restaurant nagtratrabaho?"

"Actually, I don't know. Simula nangako ako kay lolo na aalagaan ko yung Moon Cafe ay hindi ko na maiwanan. Siguro sayang rin ang lahat na pinaguran namin ni Derek doon."

"Sayang naman kasi ang galing mo sa pagluluto."

"I don't think so, hon." Nilapag na niya ang pagkain sa mesa. Hotdog, bacon and sunny side-up. Ang sarap. Pero bumalik na ulit siya sa harap ng kalan para magluto ng fried rice. "Hindi naman sayang ang mga alam ko sa pagluluto dahil ipagluto ko ang asawa ko ay sapat na sa akin."

Ngumiti ako dahil kinikilig ako sa sinabi niya

Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko na siya magligpit ng mga pinagkainan namin.

May nagdoorbell akong narinig. Sino naman kaya yun? Sumilip na muna ako at nakita ko si Kristina. Kaya pinagbuksan ko na siya.

"Hi, Kristina. Pasok ka na muna." Pagyaya ko sa kanyang pagpasok sa loob.

"Narinig ko nanganak ka na. I'm sure Greg looks so happy sa pagdating ng kambal."

"Yes, kahit nga noong sinabi ko sa kanyang buntis ako."

"That's Greg for us. Mahilig talaga sa mga bata iyang pinsan ko." Sabi ni Kristina.

I agree with that. Noong unang beses ko makita si Greg during the Halloween. Ang saya niyang tingnan habang binibigyan niya ng candies ang mga bata. And he told me he like kids.

"Hon, sino yun-- Tina." Lumapit na sa amin si Greg galing sa kusina.

"Hi, Greg. Congrats dahil nagkaroon ka ng kambal."

"Thank you, cous." Hinakbayan ako ni Greg. "Ano na ang plano mo ngayon? Malapit ka na ikasal."

"Pwede bang hindi na lang ko sumipot?"

"Seryoso, Tina?"

"Haha, biro lang, Greg."

"Hindi biro ang magpakasal, Tina."

"Alam ko naman. At alam mo naman hindi namin pwede hindi sundin ang gusto ni papa. Pag nagdesisyon na yun ay buo na. And also I broke up with my boyfriend. Yun daw ang gusto mo."

Tumingala ako para tingnan si Greg. Naging seryoso ang mukha niya ngayon.

"Kung hindi nakipaghiwalay sa boyfriend mo pareho mo lang sila masasaktan, Tina."

Bumitaw na sa pagkaakbay sa akin si Greg at saktong umiyak ang kambal. Umakyat ako patungo sa kwarto nila. Ang umiiyak pala si Gavin.

Greg's POV

"I know you don't love Dex. And same with him. Pero alam ko naman balang araw magagawan niyo mahalin ang isa't isa. Siguro may pagkasira ulo si Dex pero mabait na tao naman yun at maasahan."

"Siyempre masasabi mo iyan dahil matagal mo na siyang kilala." Umupo na siya sa sofa. Pero ako nakatayo pa rin sa harap niya. "Isa siyang certified womanizer, Greg."

Napabilog ang mga mata ko. Wala akong alam tungkol diyan. Hindi pa naman nakikitang may kasamang mga babae si Dex noon. Siguro wala din ideya si Zach tungkol dito.

"Sigurado ka bang womanizer ang kaibigan ko?" Hindi ako makapaniwalang tanong ko.

"He is your friend pero wala kang alam anong ginagawa niya."

"Yes, he is my friend pero hindi naman namin pinapakialaman ang mga peronal life namin."

Humanda talaga sa akin si Dex pagmalaman kong pinapaiyak niya si Tina. At kung magdala siya ng babae sa magiging bahay nila.

-------

"Certified womanizer?" Sambit ni Zach. Nandito kami ngayon sa bar at umiinom na kaming dalawa lang. Alam ni Yza na magkasama kami ni Zach at kasama naman niya sa bahay si Alexis.

"Yun ang sabi ni Tina sa akin kanina."

"Hindi ako makapaniwalang magiging ganoon ang kaibigan natin. I mean, sa tuwing sinasabi ba niyang busy siya, busy sa mga babae niya?"

"Iyan ang hindi ko alam, Zach. Wala akong katibayan kung busy nga siya sa mga babae niya."

Tumalikod si Zach sa counter pero ako nakaharap pa rin ang counter at umiinom.

"Look what I saw just now, Greg." Sambit ni Zach. Nilingon ko hanggang nakita ko si Dex na may kasamang dalawang babae.

"Let him. Ineenjoy lang niya ang buhay binata."

"You sure? Masyado ka naman kasing mabait, Greg. Kung ako sayo magagalit na ako kay Dex ngayon. Hindi pa nga sila kasal ni Kristina ganyan ang ginagawa niya. Paano pa kaya kung kasal na sila?"

"Kung gagawin niya iyan pagkatapos ng kasal. Magaaway talaga kaming dalawa."

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dahil lang dito masisira ang pagkakaibigan ninyo." Umiinom na rin siya.

"Choice niya iyan, Zach."

"Exactly. It is his choice. Pinili niya ang maging womanizer pero bilang sikat na isang modelo ay makakasira sa reputasyon niya kung may makita sa kanya."

"Karma is a bitch, Zach." Nilapag ko na ang bayad sa counter at tumayo na.

"Wow. Sayo pa talaga nanggaling ang salitang yun, Greg. I'm so proud of you." Naglapag na rin siya ng pera sa counter.

"Ibahin mo ko kung pamilya na ang pinaguusapan, Zach." Naglakad na ako palabas ng bar. Alam kong sumunod si Zach sa akin.

Naligo na ako noong pagkauwi ko. I need a cold shower. Umiinit lang ang ulo ko sa tuwing naalala ko na may kasamang mga babae si Dex.

Labas na ako sa banyo at lumapit sa closet para kumuha ng maisusuot pero napansin kong pumasok si Yza sa kwarto.

"May problema ba, Greg?"

"I'm fine, hon. Pagod lang siguro ako ngayon kaya papahinga na ako."

"Okay, pahinga ka na." Lumapit sa akin si Yza sabay halik sa labi. Ano ba iyan? Hindi ako tatanggi dito. Pinalibot ko ang beywang niya para papalapitin pa siya sa akin. Naramdam ko na pinalibot niya rin ang mga braso niya sa leeg ko.

Pinahiga ko na siya sa kama pero nasa ibabaw niya lang ako.

"I'm luckiest husband because I have a prettiest wife." Humiga na ako sa tabi ni Yza.

"Bolero ka talaga."

"Hindi kaya. Maganda ka naman talaga, Yza. Maganda ka sa paningin ko."

Inunan niya ang braso ko at niyakap niya rin ako. Pinaglalaruan ko ang buhok niya.

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

Carrying A Mafia's BabyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora