Chapter 1

41.9K 579 3
                                    

Yza's POV

"Yza, I need to go. Alam mo naman marami pa akong kailangan tapusin sa Canada." Sabi sa akin ng kapatid ko na si Jared. Kaming dalawa na lang ang magkasama simulang naghiwalay ang mga magulang namin pero kailangan rin umalis ni Jared dahil may trabaho pa siya sa Canada. Close kaming dalawa ng kapatid kong ito. He is always the best big brother.

"Ingat ka na lang, Jar. Basta wag mong kalimutan tawagan ako kahit isang beses sa isang buwan."

"Opo. Para naman kitang asawa niyan." Hinampas ko siya sa braso pero yun ang kinatawa niya.

"Basta nandito lang ako at maghihintay sa paguwi mo." Kinurot niya ang pisngi ko. "Masakit. Ano ba!"

"Mamimiss lang kita. Pero kailangan ko na talagang umalis baka maiwanan na ako ng eroplano." Tumalikod na ito at kumakaway na ako sa kanya habang naglalakad palayo.

Ilang araw na rin pero nagtataka ako dahil hindi na pumapasok sa bakery si Alex. Ni minsan hindi umaabsent yun. Ano kaya nangyari sa kaibigan kong yun? Makausap nga si Warren baka may alam siya.

"Come in." Binukas ko na ang pinto ng opisina ni Warren. "Oh. Yza, what can I do for you?"

"I want to ask if you know something. What happened to Alexis? She's been absent for almost a week."

"About Alexis? Ah, yeah! I remember. I got a resignation letter from her. I don't know why she resigned." Nalulungkot sabi ni Warren. "Alexis is my best employee here."

"Thank you, Warren. That's all I want to know." Lumabas na ako ng opisina niya.

Saan naman kaya pumunta si Alex? Hindi naman siya aalis ng trabaho kung walang dahilan, eh. Kilala ko ang kaibigan kong yun. Kung tatawagan ko naman unattended palagi. Mapuntahan nga sa kanila after shift.

Later at night...

Maaga akong umalis sa bakery dahil maaga natapos ang shift ko. Kaya pumunta na ako sa bahay nila Alex at mabuti na lang malapit lang dito kung saan sila nakatira.

Pero noong nakarating na ako sa bahay nila ay nakakapagtataka dahil walang tao. Walang sumasagot galing sa loob. Nasaan naman kaya ang mga magulang niya? Ang weird nangyayari ngayong araw ah. Una nawawala si Alex tapos ngayon wala yung mga magulang niya. Hindi naman ako sinabihan ni Alex na aalis pala sila. Nakakatampo na. Naisipan ko na lang umuwi sa apartment. Nagaapartment lang kasi kami dito ni Jared.

"Ang loner ko tuloy pagwala akong kasama sa bahay." Wala na rin ako magagawa hindi naman pwedeng umuwi si Jared dito.

Nagluluto na lang ako ng makakain ko.

Kinabukasan, abala ako sa trabaho sa bakery. Nagaayos ako sa cashier kahit hindi naman ako sa cashier nakapwesto. Waitress lang ako rito pero pamilya na rin kami ng mga empleyado ng bakery na ito at close kaming lahat kay Warren. Mabait kasi siyang manager.

"Yza." Lumingon ako sa likuran dahil tinatawag ako ni Warren.

"Why, Warren?" Takang tanong ko. Hindi naman siguro ako tanggal sa trabaho. Wala naman akong maalalang may ginawa akong mali.

"I'm not coming back until next month. Because there are a lot I need to finish."

"Um, okay...?" Hindi ako sigurado sasabihin ko.

"I leave my bakery to you. And please, take care of this."

"Why me?"

"Because I trusted you, Yza." Ngumiti ito sa akin. Gwapo si Warren pero hindi ko siya type. Saka hindi tumitibok ng malakas ang puso ko pagkasama ko siya. Sinabi ko nga sa sarili ko kung may isang lalaki magpatibok ng puso ko kahit mahirap pang makuha ang loob niya ay gagawin ko para lang mahalin niya rin kung paano ko siya minahal.

Greg's POV

"Greg, may party mamaya." Sabi ni Zach sa akin. I'm not a party person.

"Okay...? What should I do, then?"

"Iimbitahin ko si Alexis sa party para siguraduhin hindi siya tatakas sa mansyon. Pero kailangan samahan mo siya bumili ng damit niya at dalhin mo na rin sa salon ni Kristina." Utos nito sa akin. Hindi ako makatanggi kay Zach.

"Bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa kanya?" Subok lang baka makakusot.

"Alam mo naman ayaw ko ang pinaghihitay ako. Maraming kaartehan ang mga babae kaya mauuna na ako sa party."

That's Zach for us. Konti lang ang pasensya niya kaya ganoon.

"Okay." Tumingin ako sa relo. "Puntahan ko na siya sa bahay mo."

Tumango lang ito ng ulo.

Nakatayo na ako ngayon sa kwarto kung saan niya kinulong yung babae. Kakatok na sana ako noong binuksan na niya yung pinto.

"Ay butiki na tumalon sa tae ng kalabaw." Hindi siguro niya inaasahan nandito na ako. Tumawa na lang ako. Nakakatuwa naman kasi. "Ano nakakatuwa?"

"Sorry. Nakakatuwa kasi yung sinabi mo kanina. Grabe ka pala magulat. At hindi pa ako nakakitang butiki na tumatalon." Tuloy pa rin ako sa pagtawa. Ang sakit nang panga ko.

"You must be Greg." Naka cross arms lang ito.

"Yes, that's me. I'm Greg. Zach's right hand."

Pumunta na kami sa mall para bumili ng masusuot niya sa party. Ang dami niyang sinasabi tungkol kay Zach. Hindi naman ako sumbongero kaya hindi yun makakarating kay Zach. Pagkatapos niya bumili ay dumeretso kami sa salon ng pinsan ko na si Tina. Alam din niyang isa akong mafia kahit rin naman si Zach alam niya rin. Pagkatapos na pinaganda ni Tina si Alexis ay hindi ko na siya nakilala. Ang ganda niya. Niloko ko pa nga si Zach na kunwari hindi ko nakita si Alexis. I can imagine his facial expression right now. Patay ako nito mamaya.

Pagkapunta namin sa venue ay hinanap ko kaagad si Zach pero as usual nasa bar counter lang siya. Nasermunan pa ako na akala niya nawala si Alexis. Hindi pa nga naniwalang si Alexis yung babaeng naka red dress. Ang ganda kasi niya. Pero hindi ko naman sinabing hindi siya maganda pag walang make up. Maganda rin naman si Alexis kahit wala siyang make up. Pero alam ko naman may gusto na sa kanya si Zach dahil dapat first day pa lang ay pinatay na niya si Alexis kung wala siyang nararamdaman. Hindi lang niya pinapakita dahil kay Allison. She is the one who broke his heart. Kahit ganoon ay hindi namin siya gusto para kay Zach. Para siyang gold digger. Hmph!

~~~~

Please support this one too like how you support My Kidnapper Is A Mafia Boss. This is the second mafia series.

Greg and Yza's story :)

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now