Chapter 28

8.9K 181 3
                                    

"Greeeg!" Sigaw ni Yza kaya tumakbo ako paakyat patungo sa kwarto namin. "Aray. Ang sakit na. Manganganak na yata ako."

"Huh? Teka." Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinuha ko ang susi ng kotse sa desk ko. Binuhat ko na si Yza baka dito pa manganak.

Binibilisan ko na ang pagtakbo ng kotse. Wala na akong pakialam kung speed limit na ako. Maidala ko lang ang asawa ko sa ospital.

Noong nakarating na sa ospital ay agad dinala si Yza sa loob ng delivery room. Nakaupo lang ako sa waiting area naghihintay sa paglabas ng doctor. Ganito pala ang excitement dahil dumating na ang kambal.

Nakita kong dumating si Zach kasama ang asawa niyang si Alexis. Hindi nila kasama sina Lucas at Beryl. Siguro nasa bahay ng lolo't lola nila.

"Greg, wala pa rin ba?" Tanong ni Alexis.

"Wala pang lumalabas na doctor."

"Alagaan mo ng maigi ang mag-ina mo, Greg." Pinatong ni Zach ang kamay sa balikat ko. Tumango ako.

"Oo naman, Zach."

Nakaupo ako sa silya malapit sa hospital bed habang hawak ang kamay ni Yza.

"Thank you for giving birth of our twins, hon." May luhang tumutulo sa mga mata ko.

May kumatok sa pinto pero binuksan naman ni Zach agad. Nasa tabi lang kasi niya ang pinto.

"Sir, the twins are here." Binigay sa akin noong nurse yung isang anak namin ni Yza. Pero hindi ko naman kaya kargahin ang dalawa.

"Can I carry the other baby?" Pagpresenta ni Alexis. Tumango ako kaya binigay sa kanya yung isa.

Tumingin si Zach sa kargang baby ni Alexis pero napatingin rin siya akin.

"Kamukha mo itong prinsesa mo, Greg." Sabi ni Zach.

"Oo nga. Kamukha ni Greg ito pero may nakuha naman si baby kay Yza. Maybe her lips."

"Itong lalaki namin kamukha ni Yza." Sabi ko. Kamukha naman talaga ni Yza.

Maya maya ay narinig ko ang boses ni Yza. Lumingon ako dahil nakita ko na siyang gising.

"Gising ka na pala, hon." Karga ko pa rin ang lalaki namin anak. Wala pang pangalan, eh.

"Hindi yata kayo kumpleto magkakaibigan ngayon."

"Nasa Paris si Dex ngayon dahil may photoshoot siya para sa modelling." Sagot ni Zach. Kaya pala wala si Dex dahil nasa Paris.

"Pero alam niya ang tungkol dito? Baka magtampo na naman yun."

"Alam niya. Gusto nga niya pumunta pero bawal at saka malayo."

Ilang linggo ay nakalabas na rin si Yza kasama ang kambal. Gavin ang pinangalan namin sa lalaki namin anak at Star naman sa babae. Gavin Sandoval and Star Sandoval.

"Welcome home, Star and Gavin." Sabi ko. Karga ko ngayon si Star. They know both na kami ang mga magulang nila dahil tahimik lang sila. Palagi nga silang tulog. Iiyak lang kung gutom tapos matutulog ulit. "Hon, halika rito."

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Sa magiging kwarto ng kambal." Nauna na akong umakyat para puntahan ang magiging kwarto ng kambal. Binuksan ko na ang pinto. "Ito ang magiging kwarto nila kahit malalaki na sila."

"Rinig niyo yun? Pinagawan niyo ng daddy niyo ng sariling kwarto." Tumingin siya sa akin. "Ito pala ang laman ng kwartong ito."

"Nah. Walang laman ang kwartong ito. Bakante lang siya pero noong nasa ospital pa kayo ng kambal ay naisipan kong gawin kwarto na lang ito."

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now