Chapter 19

8.4K 184 0
                                    

Nakarinig ako ng busina ng isang kotse. Imposible naman kotse ni Greg yun. Hindi nga siya umalis ngayong araw.

Nakita ko rin nagmamadaling bumaba ng hagdanan si Greg.

"Aalis ka?"

"Nope. Si Zach kasi yung nagbusina. Alam mo naman ayaw noon pinaghihintay."

Impatience. Konti lang ang pasensya.

"Kasama si Alex?"

"I don't know, hon." Ngumuso ako sa sagot ni Greg. Alam ko nagkita na kami ni Alex noong Christmas eve pero gusto ko siya makasama. "Magkikita pa naman kayong dalawa sa New year eve."

Binuksan na niya yung gate para papasukin ang kotse ni Zachary. Wala kasing maid si Greg sa bahay niya. Sakto naman ang pagbaba ni Vincent.

"What he is doing here?" Kunot noo saad ni Vincent.

"May problema ba tayo, bata?"

"Tsk. Hindi na ako bata."

"Aga aga magaaway kayong dalawa. Chill, guys." Pagawat ni Greg sa dalawa. World War IV na kaya?

"Greg, kailangan ko na umalis baka maiwanan pa ako ng eroplano."

"Kami na ni Zach ang maghahatid sayo sa airport."

"What?! Kaya mo ba ako pinapunta rito para hatid iyang pinsan mo?! Hoy, Greg kung ano man yang iniisip mo uuwi na lang ako. Hindi pa nagpaalam kay Alex dahil sabi mo emergency."

Gusto ko tumawa sa dalawa. Para bang aso't pusa kung magsagutan. Wala talagang sinasanto itong si Zachary, no? Kahit sino inaaway niya.

"Please, Zach. Alam mo namang nasiraan ang kotse ko noong isang araw at hanggang hindi ko pa napapagawa."

"Bakit hindi na lang si Dex?"

"Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi ko matawagan."

"Okay, fine." Tumingin si Zachary kay Vincent. Wala kahit anong facial expression. "Faster, brat. Ang ayaw ko ang mabagal kumilos."

"Tsk." Tinulungan na siya ni Greg kunin ang mga gamit niya.

"Sige, hon. Hatid na muna namin si Vin sa airport." Hinalikan ako sa labi ni Greg.

"Hoy, Greg bilisan mo!"

"Heto na!" Tumakbo palabas si Greg.

"Ingat kayo." Kumaway ako sa kanila.

Nanood na lang ako ng tv biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Alex sa ID caller.

"Yza, labas tayo."

"Huh? Buntis ka tapos gusto mong lumabas."

"Ano masama doon? Gusto ko mamasyal."

"Paano si Lucas? Iiwanan mo diyan?"

"Hindi. Nandito sila mama ngayon sa bahay at pinayagan ako mamasyal. Niyaya kitang mamasyal kasama ko para namang hindi boring. Bili na rin ako ng gamit ni baby."

"Oh, sige na nga. Susunduin kita diyan sa inyo."

"Thank you."

Pumasyal kami ni Alex sa mall para bumili ng mga gamit ng baby nila ni Zachary. Ano kaya gender ng anak nila? Marami pala ako napupusuang gamit para sa kambal pero hindi ko alam gender pa nila. Next time yayain ko si Greg mamasyal sa mall para makabili kami.

"Yza, ano sa tingin mo rito?" Pinakita sa akin ni Alex ang hawak niyang damit ng pang baby. Pangbabae ang damit na yun.

"May ideya ka na ba sa gender?"

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now