Chapter 24

8.2K 169 5
                                    

Yza's POV

"Tahan ka na diyan." Pagtahan sa akin ni Alex habang karga niya si Beryl. Habang si Lucas ay nasa sala nanonood lang ng tv. "Makakasama sa anak niyo yan, Yza."

"Nagaalala kasi ako kay Greg."

"Si Zach na ang bahala sa asawa mo. Si Zach ang nakakakilala sa kaibigan niya."

"Pero ako ang asawa niya."

"Alam ko. May problema lang siguro yung asawa mo at ayaw niyang bigyan ng problema. Hayaan mo muna si Zach ang kumausap sa kanya."

Tuloy pa rin ako sa paghikbi.

"Kung hindi ka tumigil ka kakaiyak mo baka umiyak na rin si Beryl. Lagot ka sa akin at baka makalimutan kong buntis kang babae ka."

"Grabe ka naman. Ang hirap kaya magbuntis ng kambal."

"Kambal ang anak niyo?!" Nagulat ito. Tumango ako. "Wow. Congrats."

Pinunasan ko na ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Alex, naalala mo pa ba yung paano tayo nagkakilala na dalawa?"

"Oo naman. Yun ang masayang alaala nangyari sa akin. Ang makilala ka."

Flashback

Nasa six years old ako. Nakaupo ako magisa sa bench sa may park. Wala na kasi si Scott sa panahong yun. Nalulungkot ako dahil umalis na sila. Four years old ako noon at six years naman siya noong nagkakilala kaming dalawa pero noong five years old ako umalis na sila ng bansa.

"Bata, bakit ka malungkot?" Tiningnan ko ang nagsalita.

"Miss ko lang ang kaibigan ko."

"Ganoon ba?" Umupo siya sa tabi ko. "Wag ka magaalala kahit malayo kayo sa isa't isa ay nandiyan naman siya sa puso mo, diba?"

"Oo naman."

"Kaya ngiti ka na." She make a funny face. Natawa ako sa itsura niya. "Wag ka na malungkot. Ako nga pala si Alexis. Pwede mo kong tawaging Alex."

"Ako naman si Yza."

"Pwede ba tayo maging magkaibigan? Wala kasi ako masyadong kaibigan."

"Oo naman. Simula ngayon ay kaibigan na kita."

Si Alex na ang naging kalaro ko araw-araw. Nakasama ko hanggang sa paglaki. Nangarap na kasama siya. Hindi kami naghihiwalay ni Alex simula noon. Kahit saan pumunta ang isa sa amin ay dapat magkasama ang isa't isa.

End of flashback

"Nababaliw ka na ba, Yza? Ngumingiti ka ng magisa diyan. Kanina umiiyak ka tapos ngayon ngumingiti na. Dalhin na kaya kita sa mental at tatawagan ko lang si Greg na doon ka lang niya puntahan."

"Grabe ka. Naalala ko lang kung paano tayo nagkakilala."

"Sino ba yung kaibigan mong yun na tinutukoy mo?

"Si Scott. Kapitbahay siya namin kaya naging close kami sa isa't isa pero noong nag-five years old ako umalis na sila kaya nalungkot ako pero noong isang araw nagkita ulit kami."

"Gwapo?"

"Sobra nga, eh."

"Pakilala mo ko."

"Tumigil ka nga, Alex. May asawa't anak ka na. At kung malaman ni Zachary yan baka magselos. Katulad ni Greg."

"Nagselos si Greg?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, nagselos siya kasi kay Scott. Hindi nga niya ako kinakausap ng ilang oras pero hindi naman niya ako matiis hindi kausapin."

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now