Chapter 13

10.1K 202 3
                                    

Before we start.. Gusto ko lang magpasalamat sa mga readers (silent readers) sa pagsuporta sa kwentong kong ito at My Kidnapper Is A Mafia Boss.

Thank you so much, guys. :)

~~~~~

Dalawang buwan na rin. Malapit na rin akong bumalik sa states dahil aasikasuhin ko pa yung Moon Cafe.

Bumisita ako kila Yza para sabihin sa kanya na babalik ako sa susunod na linggo.

"Greg!" Niyakap niya ako. Para bang ngayon lang ulit kami nagkita but no. Araw-araw kami nagkikita ni Yza.

"May problema ba?"

"Miss lang kita."

"Aww, sweet naman ng girlfriend ko. Pero, Yza may gusto akong sasabihin sayo." Inangat niya ang kanyang ulo para tingnan ako.

"Ano yun?"

"Next week babalik na ako ng states kasi marami pa akong aasikasuhin sa Moon Cafe and Vincent is coming with me."

"Bakit naman siya sasama sayo?"

"His punnishment. Kailangan niyang sumama sa akin at tuturuan ng leksyon. He is already twenty years old but still in second year college. Dapat graduate na siya ngayong taon pero ilang beses siya umulit ng second year."

"Okay.. Um, Greg." Tumingin ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Gusto mo labas tayo? Pasyal? Mall? O kahit saan mo gustong pumunta."

Shopping is not my style. Kalalaki kong tao magshashopping.

"Then, let's go to the arcade." Nakangiting saad ko. Tumango siya sa siya sa akin.

Naglalaro kami ni Yza ng air hockey, next is race car. Nagenjoy kami maglaro rito sa arcade hanggang napagod siya kaya nanood na lang siya sa mga laro ko. Naglalaro rin ako ng basketball. Halos pasok naman yung bola sa ring.

"I'm pregnant, Greg." Nawala ang concentration ko kaya tumama sa labas ng ring ang bola at tumalbog papunta sa akin. Napaupo ako sa sakit. "Greg?! Ayos ka lang?"

"I'm fine." Tinakpan ko ang ilong ko. Sigurado akong dumudugo na.

"Dumudugo ang ilong mo."

Pumunta kami sa clinic dahil tuloy pa rin ang pagdugo ng ilong ko kanina. Mabuti na lang huminto na.

"Sorry, Greg. Dapat hindi ko na muna sinabi sayo habang naglalaro ka."

"Don't blame yourself, Yza." Tumingin ako sa kanya. "Ilang buwan na?"

"Two months. Nakaramdaman kasi ako nakakaiba kaya nagpatingin ako kahapon."

"Alam na ba ni Jared?"

"Hindi ko pa sinasabi sa kanya. Natatakot kasi ako baka magalit sa akin si Jared."

"Sasamahan kitang kung kailan mo silang kakausapin, Yza. Alam mo naman hindi kita tatakbuhan."

"Alam ko kaya ikaw agad ang sinabihan ko. Alam ko rin sabik ka na magkaroon ng baby pero nawala siya noon pero ngayon." Biglang lumungkot ang boses ni Yza.

"I love you with or without the baby, okay?" Dinikit ko ang noo ko sa kanya. "I love you no matter what. Noong naaksidente ka noon hindi ko alam ang gagawin ko pagnawala ka sa akin, Yza. Pinagdadasal ko sana hindi ka kunin sa akin. Kaya ito kasama kita ngayon."

"I don't want to waste this chance. Binuksan ko ang pinto para mahalin ka. Binigyan ako ng pagkakataon na umibig ulit." Dagdag ko pa.

"Pinapaiyak mo ko, Greg. Kainis ka."

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now