Chapter 7

12.7K 260 0
                                    

Greg's POV

Nakakainis naman, oh. Iniwanan na naman kami rito ni Zach dahil sumunod siya kay Alexis sa Pilipinas. Isa lang naman ang ginagawa naming tatlong ang maghanap ng impormasyon sa pumatay kay Terence.

Lumabas ako sa warehouse para bumisita sa Moon Cafe pero pagkarating ko roon ay nakasalubong ko si Yza na tumatawid. Mukhang pupunta rin siya dito. Bored na siguro siya sa condo. Pero may isang kotse na biglang sumulpot at nasagasaan si Yza.

"Yza!" Tumakbo ako sa kanya. Duguan siya. "Damn! Yza, wake up. Please, don't leave me."

"Ano nangyari rito?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Derek.

"Derek, tumawag ka ng ambulansya. Dali!"

"Heto na. Teka lang." Nag-dial na siya para tumawag ng ambulansya.

Pagkarating ng ambulansya ay sumama ako. Hindi ko binibitawan ang kamay ni Yza.

"Yza, don't leave me. Lumaban ka." May luhang tumutulo sa aking mga mata. Ito na ang pangalawang pagkakataon ko na magmahal pero kukunin lang ulit sa akin. Ano ba ang ginawa kong mali? Ginawa ko naman ang lahat para lang makasama siya. Hindi naman akong masamang tao para parusahan ako ng ganito.

Pagkarating sa ospital ay pinasok na si Yza sa loob ng operation room pero hindi na ako pinapasok dahil bawal.

"Please, save her." Sabi ko. Tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

Naghintay na lang ako sa waiting area dahil wala pang doctor na lumalabas. Natatakot na ako kung pati siya mawawala sa akin. Mahal ko na si Yza kaya hindi ko na kaya mabuhay kung wala siya.

"Greg!" May sumigaw sa pangalangan ko kaya nilingon ko yun. "Ano na ang balita?"

"She still inside. Wala pang doctor na lumabas."

"You love her, Greg? Mukha kasing mahal mo na siya kaya ka nagkakaganyan."

"Yes, Derek. Hindi lang siya ang ina ng anak ko."

"What do you mean?"

"She's pregnant. Pero mukhang malabo rin mabuhay ang anak namin dahil nangyari kanina. Kahit ganoon ay mamahalin ko pa rin siya."

"Mahirap sa isang ina ang mawalan ng anak."

"Mahirap rin para sa akin pero ang importante ay mabuhay si Yza."

Nakita ko na may lumabas na doctor galing sa operation room. Lumapit ako agad para alamin ang kalagayan ni Yza.

"I'm sorry, mr. Sandoval but the baby didn't survive." Nalungkot ako nawalan na naman ako ng anak.

"How about the mother?"

"She is stable and she need to rest for one to two months."

Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas na si Yza. Thanks God. Hindi siya kinuha sa akin.

Ilang linggo na. Siguro dalawang linggo na noong naksidente si Yza. Dahil ang sabi ng doctor ay mga isa o dalawang buwan pa siya sa ospital. Wala naman problema sa bills dahil ako ang nagbabayad. Kaya lang hindi ko pa rin kayang harapin si Yza pagkatapos mawala ang anak namin. Alam kong masakit para sa kanya pero mas masakit para sa akin na makita siyang umiiyak.

Nandito ako sa tinatambayan kong bar. Gusto ko na muna magisip. Magisa.

"One more." Sabi ko kay Gab. Sineserve naman niya sa akin ang inoorder ko.

Maraming sexy at magagandang babae ang lumalapit sa akin pero tinatanggi ko lang silang lahat. Wala akong interesado sa kanila dahil si Yza lang ay sapat na sa akin.

Nakatanggap ako ng tawag galing kay Tina. Siya kasi yung binilin kong magbantay kay Yza. Kahit alam ko naiisturbo ko ang trabaho niya.

"Why did you call? May problema ba?" Medyo tipsy na ako dahil nakailang tagay na ako.

"Lasing ka ba?"

"Hindi pa naman ako lasing, Tina. Kaya ko pa naman magmaneho pauwi. Bakit ka ba tumawag?"

"Gusto ka makausap ni Yza, cous." Natigilan ako sa pagiinom sa sinabi ni Tina.

"Alam mo naman hindi ko kayang harapin si Yza ngayon, Tina. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya?"

"Mabuti ng sabihin mo na sa kanya, Greg. Kaysa masaktan pa siya kung sa amin niya malaman ang nangyari."

"Okay. Fine. Papunta na ako diyan." Binayaran ko na yung mga inorder kong inumin bago umalis ng bar.

Pumasok ako sa kwarto kung nasaan si Yza. Makikita talaga ang lungkot sa mga mata niya.

"Sige. Maiwan ko na muna para makapagusap naman kayo." Sabi ni Tina. Lumabas na siya ng kwarto.

"Kamusta ang pakiramdam mo na ngayon?" Umupo ako sa silya kung saan nakaupo si Tina kanina.

"I don't know, Greg. Masakit noong nalaman ko na hindi nabuhay ang bata sa sinapupunan ko." May luhang tumulo sa pisngi niya. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.

"Hindi naman kita sinisi sa pagkawala ng anak natin, Yza. Aksidente ang lahat na yun."

"Wala na ako maimumukha sayo dahil alam ko naman kaya mo ito ginagawa sa akin kasi dinadala ko ang anak mo."

Hindi totoo yan. Simulang nakilala kita ay hindi ka na mawala sa isipan ko. Sana nga lang kaya kong sabihin sayo pero natatakot ako baka isang araw ay iwan mo rin ako.

"Wala na rin ako sayo kaya pagkaalis ko rito sa ospital ay aalis na rin ako sa condo mo." Tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya.

"K-Kung yan ang gusto mong gawin. Sige." Wala na ako magagawa dahil masasaktan ko lang siya.

"Wag ka rin magaalala pagnakaipon na ako ay babayaran kita sa lahat na gastos mo rito sa ospital."

"Hindi mo na kailangan gawin yun. I insist to pay the hospital bills."

Yza's POV

Dalawang buwan na rin noong naospital ako. Pagkalabas ko ay tahimik lang sa kotse niya. Walang imikan sa kotse. At pagkarating namin sa condo niya ay nagimpake na ako ng mga gamit ko.

Isang linggo ay nagpasya akong sumunod kay Jared sa Canada. I missed my brother.

"Welcome, sis." Sinundo kasi ako ni Jared sa airport. Tumango lang ako. Wala akong gana makipagusap kahit sino. Kahit si Jared pa.

Pagkarating namin sa bahay niya ay tinuro niya sa akin kung saan magiging kwarto ko.

"I know you have a jetlag. Kaya pahinga ka na muna, Yza. Kung may kailangan ka ay nasa ibaba lang ako."

"Salamat, Jared."

Hindi ko nasabi na isang businessman itong si Jared pero sa Canada nga lang ang kumpanya. Kumpanya ni dad pero kay Jared niya pinamana hindi doon sa anak niya sa ibang babae.

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now