Chapter 8

12.7K 283 0
                                    

Ilang araw na ako rito sa Canada. Naging masaya naman ang buhay ko rito dahil may makakasama na ako sa bahay. Hanggang nakatanggap ako ng tawag galing kay Zachary.

"What do you want? Hindi ko kasama si Alex."

"I know, peasant pero hindi naman iyan ang tinawag ko."

"Ano ba ang kailangan mo? Wala naman siguro akong atraso sayo."

"Aba, gusto mo magkaroon ng atraso sa akin?"

"Baliw ka ba? Siyempre, ayaw ko. Isa kang mafia, Zachary."

"Good, then. Kaya tumahimik ka na muna dahil may sasabihin ako sayo."

"Ano ba yun?"

"Malapit na ang birthday ni Alex. I want to surprise her on her birthday kaya kung pwede lang pumunta ka naman ng Pilipinas dahil sa araw na yun ay ikakasal na kami." Sabi niya sa kabilang linya. Mabuti pa si Alex ay ikakasal na.

"Oh, sige. Mahalagang araw yun para sa kaibigan ko. Kakausapin ko lang ang kapatid ko na pupunta na muna ako ng Pilipinas."

"And I'm sorry for what happened to your child." Napabilog ang mga mata ko. May ideya pala si Zachary tungkol roon. Baka naman naikukwento ni Greg sa kanila. "Kahit hindi sabihin sa akin ni Greg ay alam ko. Marami akong connection, Yza. Alam kong wala akong karapatang sabihin sayo ito pero kung mahal mo talaga ang kaibigan ko ay dapat hindi mo siya iniwanan. Sigurado naman alam mo ang nakaraan niya."

"Oo, sinabi niya sa akin noon."

"Mahal na mahal niya si Janice pero noong bumuo kami ng isang mafia ay nawalan na siya ng oras kay Janice. Kaya simulang namatay ang asawa at anak niya ay hindi na umibig si Greg. Pinagkakatiwalaan kita hindi dahil kaibigan ka ng fiancee ko.. Pero nakikita ko na mahal mo si Greg."

Tumulo na naman ang luha ko dahil namiss ko na si Greg. Totoo ang lahat na sinabi ni Zachary sa akin. Mahal ko ang lalaking yun.

"Sana pagisipan mo ang sinabi ko. Oh, siya! Mahal na yung tawag ko. Baka ikaw pa singilin ko. Bye na." Bastos talaga ang lalaking ito. Okay na sana pero may hirit pa, eh.

Pinayagan naman ako ni Jared na pumunta sa Pilipinas. Kilala naman niya si Alex kaya ganoon. Hindi ko alam umuwi na pa lang Pilipinas si Alex. Dumalaw ako sa kanila para supresahin si Alex pero bago ang lahat ay may binigay na malaking box si Zachary. Ibigay ko raw kay Alex.

Masaya ako para kay Alex dahil kinasal na siya sa taong mahal niya. Sana ako rin. Nakita ko si Greg. Ang gwapo niya sa suot na white tuxedo. I really missed him.. so much. Pero wala akong lakas para harapin siya. Nandito rin pala si Kristina kaya nilapitan ko siya.

"Hi, Kristina."

"Oh. Long time no see, Yza."

"Oo nga, eh. Musta ka na?"

"Ito busy sa salon kasi ang daming custumers. Ikaw?"

"Ayos lang ako. Nagsimula ulit ng bagong buhay sa Canada kasama ang kapatid ko."

"May kapatid ka pala."

"Meron. Isang taon ang tanda sa akin at close kami sa isa't isa."

"That's nice. Kami naman ni Derek ay hindi magkasundo. Masyado kasing mataas ang pride ng kapatid kong yun."

"Magkakasundo pala tayo dahil minsan ganyan rin si Jared."

Pagkatapos namin magusap ni Kristina ay umalis na siya kasi kakausapin pa daw niya ang kanyang pinsan. May mga lalaking lumalapit sa akin pero hindi ko na lang sila pinapansin.

Nilibot ko ang buong garden pero nagulat na lang ako noong makita ko si Greg magisa. Pero mukhang napansin niya ako.

"Hi." Bati niya ako sa akin.

"Hi." Bati ko rin sa kanya.

"So, um.. Uh, how are you?"

"I'm good."

Greg's POV

Nakatingin lang ako kay Yza dahil may mga lalaking lumalapit sa kanya. Gusto ko sila sugurin at sabihing She's mine. Kaya lang wala naman kami at hindi ko magmamay ari si Yza. I missed her so much. Gusto ko siya bumalik sa buhay ko kung pwede nga lang.

Naglakad ba muna ako pero napapansin kong parang sumusunod sa akin. Binaling ko yung tingin ko sa taong yun at si Yza lang pala.

"Hi." Binati ko sa kanya. Medyo awkward after what happened before.

"Hi." Bumati rin siya sa akin.

"So, um... Uh, how are you?" Hindi kasi ako marunong magsimula ng conversation. Hindi kasi ako maingay na tao hindi katulad ni Dex at Hunter.

"I'm good." Sabi niya. Alam kong nagsisinungaling siya. Hindi yun ang pinapakita ng mga mata niya. Pero hindi ko alam ang dahilan.

Tumango lang ako ng ulo at binalik ko ang tingin ko kung saan ako nakatingin kanina.

"Um, Greg.." Tumingin ulit ako kay Yza. "May gusto akong sabihin sayo."

"Ano yun?"

"I missed you so much." Sabi niya kaya napalaki ang nga mata ko. She missed me? She really missed me.. Ang saya ko. Pero may pagasa ba ako sa puso niya?

Pero mas kinagulat ko ay noong niyakap niya ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap pero pinatong ko ang aking ulo sa kanyang leeg.

"Damn. I missed you too. Ang tahimik ng bahay noong umalis ka. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. At hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin kung bakit ako nagkakaganito ngayon, Yza." May luhang tumutulo na naman. Kainis. Ngayon pa talaga ako naiyak.

"What do you mean?" Tanong niya.

Bumitaw na ako sa pagkayap sa kanya at tiningnan ko siya sa mata sa mata kahit may luha pang tumutulo sa pisngi ko.

"I fell in love with you.."

"S-Seryoso ka ba diyan?" Alam kong nagulat siya sa aking sinabi. I confessed my feelings for her.

"I'm serious. Noong unang araw kita nakita sa dating pinapasukan mong trabaho ay hindi ka na nawala sa isipan ko. Gusto kita makilala ng lubusan. Gusto kita maging kaibigan. Kaya nga binili ko ang oras mo para makasama kita. Masaya ako sa tuwing kasama kita, Yza."

"Ganoon rin ako, Greg. Masaya rin ako sa tuwing kasama kita. Naging memorable sa akin ang mga ginawa natin noon." Sabi niya. Hinawakan ko ang kabilaang pisngi niya. Gusto ko siyang halikan.

"May pagasa ba ako diyan sa puso mo?" Tanong ko. Tumango siya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. "R-Really?"

"Oo. Matagal na rin akong may gusto sayo."

"Yes!" Niyakap ko siya sa sobrang saya ko pero mabilis lang na yakap. "Kung ganoon ay pwede ba kitang ligawan?"

"Oo naman."

"Salamat." Ngumiti ako. Ang ngiti ko ay abot hanggang tenga. "Kaya lang hindi ako marunong mangligaw pero gagawin ko ang lahat para makuha ang matamis mong oo."

Ang saya ko dahil may pagasa pa pala ako sa puso ni Yza. Hinding hindi siya magsisi na minahal niya ako dahil bibigyan ko siya ng oras kahit gaano pa ako busy sa trabaho. After this mission ay aalis na ako sa pagiging mafia ko.

~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now